^

PM Sports

Eugene Onegin wagi sa local 4yo % Above Stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang dehadong kaba­yong Eugene Onegin ang nagpasikat sa 2018 Philippine Racing Commission 2nd Leg Local Four Year Old & Above Stakes race kahapon sa Metro Turf.

Sinakyan ni Mark M. Gonzales, ang Eugene Onegin na inilahok ni Lirdy Lopez ay nag-abang lang ng pagkakataon para makasingit at makuha ang unahan.

Ang naglaro kaagad sa unahan ay ang pinakadehadong Brennero na ginabayan ni Christopher V. Gartante at ang second pick na Lakan na si Kelvin B. Abobo naman ang siyang patong.

Halos hindi naman naagaw ang abante sa Brennero na hanggang sa huling 400 meters ay nangunguna, samantalang nagkumahog na sa likuran ang coupled runners na Son Also Rises at Song Of Songs na naging outstanding favorite.

Hindi nagawang makalampas ng Lakan sa Brennero kaya naman ang iba pang nasa likuran ang nagpumilit makadikit sa mga nauuna.

Nang kumilos na ang Eugene Onegin na nakapagparemate una sa may tabing balya at nang pumadpad na rin sa may balya ang Brennero at bahagyang iniangat ni Gonzales ang kanyang kabayo.

Nangunguna na ang Eugene Onegin at napakalakas na pagpaparemate ng isa pang deremateng Heiress Of Hope na pinatatakbo ni Andrew R. Villegas.

Hindi rin nakuhang lumampas ng Heiress Of Hope sapagkat nakatapak na ng meta ang Eugene Onegin.

Pero nasegundo rin ang Heiress Of Hope at pumasok naman sa tersero puwesto ang Song Of Songs.

Ang panalo ay nagkakahalaga ng P300,000 para sa koneksyon ng Eugene Onegin at naiuwi naman ng handlers ni Heiress Of Hope ang runner-up purse na P112,500 at P62,500 ang para sa Song Of Songs at may P25,000 naman sa fourth placer na Brennero.

Napunta ang breeders purse na P15,000 sa mga nag-aalaga kay Eugene Onegin. JMacaraig

vuukle comment

EUGENE ONEGIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with