^

PM Sports

SMB-Alab, Mono Vampire unahan sa 2-1 bentahe

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bibiyakin ng San Miguel-Alab Pilipinas at ng Mono Vampire Thailand ang 1-1 pagtatabla ng kanilang titular series sa nakatakda nilang paghaharap sa Game Three ng 2017-2018  ASEAN Basketball League finals na gaganapin ngayon  sa teritoryo ng kalaban sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Tangan ang 3-1 bentahe sa kanilang head-to-head duel ngayong season na ito, muling haharapin ng Alab Pilipinas ang Mono Vampire sa alas-3:30 ng hapon sa oras sa Thailand o 4:30 naman sa Philippine time.

Nanatili ang pa-ngamba ng marami sa kondisyon  ni Justin Brownlee dahil hindi pa tiyak habang sinusulat ang istoryang ito kung makakalaro pa ba ang 6’5 import sa importanteng laro kung saan ang mananalo ay lalapit sa titulo.

Sa 2-2-1 format ng home and away league, dalawang laro rin ang gaganapin sa homecourt ng mga Thais at kung kinakailangan, babalik ang serye sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex para  sa Game Five sa Miyerkules.

Matapos maka-eskapo ang Filipino team ng 143-130 overtime win sa Game One noong Linggo, bumawi naman ang  mga Thais, 103-100, sa Game Two noong Miyerkules kung saan nadisgrasya si Brownlee sa huling minuto ng ikatlong yugto kaya pinaghihinalaang may injury ito.

Dahil sa insidente, pinasok na lang si Brownlee sa huling segundo para sana isalba ang Alab Pilipinas ngunit nagmintis siya ng dalawang sunod sa three-point area na siyang dahilan para ta-ngayin ng Mono Vampire ang panalo. 

“Obviously, we’re thrilled and pleased to come out with a win. Alab is so strong and you never want to go home down 0-2. We would’t lose confidence or give up in any way, this was critical. Homecourt edge is so important,” sabi ni Mono Vampire coach Douglas Marty.

Inamin naman ni Alapag na nagkaroon sila ng lapses sa depensa kaya tuluyang umani ang 7’5 na si Sam Deguara ng 30 puntos at 20 rebounds at dalawang blocks.

“Sam (Deguara) real-ly hurt us. We just gotta be better on Saturday (nga-yon),” sabi ni Alapag.

Ayon naman kay 6’7 import Renaldo Balkman, pagtutuunan  niya ng depensa si Deguara para hindi na maulit pa ang pagdomina ng Maltese-Italian import  ng Thailand ang laro lalung-lalo na sa end-game.

“I can’t wait to see him on Saturday (ngayon). He played a good game in Game Two. Let’s wait to see what happens in Game Three. I’ll play another 40 minutes, that’s how I feel right now. It’s all good,” ayon naman kay Puerto Rican import na si Balkman na umiskor ng 37 puntos, 12 rebounds, anim na assists, dalawang blocks at dalawang steals sa Game Two.

 

BENTAHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with