Chiefs sinibak ang Knights
MANILA, Philippines — Isinama ng sibak nang Arellano University ang Colegio de San Juan de Letran sa bakasyon matapos itakas ang 67-65 panalo sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Bumalikwas ang Chiefs mula sa isang 14-point deficit para isara ang kampanya sa 7-10 record sa ilalim ng 8-10 baraha ng Knights na naglista ng malamyang 2-16 marka sa Season 99.
Kumamada si Lorenz Capulong ng all-around game na 13 points, 12 rebounds, 4 assists, 2 steals at 1 block para banderahan ang Arellano.
“For the last eight years, may drought kami sa Final Four, pero ‘yung winning naman is naaangat namin,” sabi ni coach Chico Manabat sa kanyang tropa na nakabangon mula sa 28-42 pagkakabaon sa third period.
Tuluyan na nilang naagaw ang bentahe sa 63-56 bago nagsalpak si Kobe Monje ng dalawang free throws para sa 65-64 abante ng Letran sa dulo ng fourth quarter.
Ang putback ni Basti Valencia ang nagbigay sa Chiefs ng 66-65 kalamangan sa nalalabing 18.7 segundo kasunod ang free throw ni Capulong para sa kanilang two-point lead.
Bigo si Nat Montecillo na maipasok ang kanyang three-point attempt sa huling posesyon ng Knights.
Samantala, tinalo ng College of St. Benilde ang nagdedepensang San Beda University, 70-62, para muling solohin ang top spot.
Itinaas ng Blazers ang kanilang 14-3 record at inihulog ang Red Lions sa 10-7.
- Latest