^

PM Sports

CEU, Zark’s Lyceum maglalaglagan

Pang-masa
CEU, Zark’s Lyceum maglalaglagan
Nasa larawan ang mga Batang Gilas sa homecoming party ng SBP at Chooks-to-go sa Crown Plaza Hotel sa Pasig noong Martes ng gabi.
Andrew Dimasalang

MANILA, Philippines — Isang silya na lamang ang bakante sa Final Four na pag-aagawan ngayon ng Centro Escolar University at Zark’ Burgers-Lyceum sa Game Two ng quarterfinals ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang do-or-die na harapan sa alas-3 ng hapon kung saan ang makakalusot ay aabante sa semis kontra sa nag-aabang nang Marinerong Pilipino.

Tangan ang twice-to-beat na bentahe, bigong makausad agad ang Scorpions matapos ang 95-104 na kabiguan kontra sa JawBreakers sa -Game One kamakalawa na siyang nagbigay-daan sa winner-take-all Game Two ngayon.

Ito ay sa kabila ng pagbabalik ng Congolese import na si Rod Ebondo matapos  ang kanyang pagkawala sa dulo ng eliminasyon bunga ng natamong back injury.

Kumayod ng 32 puntos at 25 rebounds si Ebondo ngunit kapos pa rin para sa Scorpions.

Nadiskaril man sa unang tangka, sisiguraduhin ng Scorpions ngayon na hindi na dudulas ang semis ticket mula sa kanilang mga palad lalo na’t makakaasa ng suporta si Ebondo mula kina Joseph Manlangit, Orlan Wamar at Judel Fuentes.

Subalit determinado naman ang Jawbreakers na makumpleto ang kanilang upset lalo’t nakasandal sila sa malaking panalo noong Game One.

Tatrangkuhang muli ni CJ Perez ang atake ng Zark’s-Lyceum matapos ang kinamadang 26 puntos, limang rebounds, limang assists at dala-wang steals sa unang laro.

Makakaasa naman siya ng suporta mula sa katambal na si Mike Nzesseu na kumamada naman ng 28 puntos at 12 rebounds.

Sa ngayon, tanging ang semis match-up pa lang ng No. 1 na Akari-Adamson at Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian ang sigurado na habang nag-aabang pa ng makakalaban ang Marinerong Pilipino.

Nakapasok sa semis ang Revellers kamakalawa matapos gulpihin ang Gamboa-St. Clare, 80-72. (ADimasalang)

DEVELOPMENTAL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with