^

PM Sports

Houston pasok sa playoffs

Pang-masa
Houston pasok sa playoffs
Tumira si Eric Gordon ng Houston laban kay Dwight Powell ng Dallas.

DALLAS — Nang humingi ng dayoff ang Houston Rockets’ MVP candidate ay inilagay lamang nila ang NBA Sixth Man of the Year awardee sa starting lineup at sumandal sa isang eight-time all-NBA point guard.

Kaya hawak nila ang best record sa liga ngayon para makapasok sa playoffs.

Nagpasabog si Eric Gordon ng 26 points habang kumolekta si Chris Paul ng 24 points at 12 assists para tulungan ang Rockets na talunin ang Mavericks, 105-82 kahit hindi nag-laro si star James Harden na sumasakit ang tuhod.

Sa Los Angeles, kumamada si Julius Randle ng career-high na 36 points, 14 rebounds at 7 assists para pamunuan ang Lakers sa 127-113 pagpapasikat kay James at sa Cleveland Cavaliers.

Nagdagdag si Isaiah Thomas ng 20 points, 9 assists at 5 rebounds laban sa kanyang mga dating teammates.

Humataw ang Lakers sa second half laban sa defending Eastern Conference champions mula sa magandang game plan ni coach Luke Walton.

Isa ang Lakers sa mga koponang nagpahiwatig ng interes na mahugot si James mula sa Cavaliers sa pagtatapos ng season.

Nagbuhos si Magic Johnson ng taon para gumawa ng hakbang — kasama dito ang trade na nagdala kina Larry Nance Jr. at Jordan Clarkson sa Cleveland noong nakaraang buwan — para magkaroon ang Lakers ng bigating players mula sa pagpili sa mga elite free agents.

Ang three-time NBA champion ay mayroon nang $23 million mansion sa Brentwood at sumisibol na career sa entertainment production at ang paglipat niya sa LA ay isang logical step.

Sa Boston, umiskor si Victor Oladipo ng 27 points at pinuwersa ng Indiana Pa-cers si Terry Rozier para sa off-balance shot upang takasan ang Celtics, 99-97.

Nagdagdag si Myles Turner ng 19 points kasama ang game-winning basket sa natitirang 21 segundo at 10 rebounds para sa panalo ng Indiana.

Sa Minneapolis, humakot si Karl-Anthony Towns ng 31 points at 16 rebounds para pamunuan ang Minnesota Timberwolves sa 109-103 panalo laban sa Golden State Warriors.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Warriors na wala si star Stephen Curry.

Naglista naman si Kevin Durant ng 39 points at 12 rebounds sa panig ng Golden State habang pahinga si Curry.

ERIC GORDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with