^

PM Sports

4-peat ni June Mar baka maunsiyami

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Walang dudang shoo-in si June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas team na lalahok sa SEABA Championship sa Smart Araneta Coliseum sa Mayo at sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa Agosto.

Kung ipatutupad ng tuwiran ang PBA-SBP MOA ukol sa pagpapahiram ng PBA players sa national team, maraming laro ang mami-miss ni Fajardo sa natitirang dalawang konperensya ng 2016-17 PBA season.

Base sa existing PBA rules, kailangan ng PBA player na makalaro at least 70 percent ng lahat ng laro sa isang season upang maging eligible na kandidato sa year-end awards.

Kung mabababad sa Gilas si Fajardo, delikado bigla ang kanyang paghahabol sa ikaapat na sunod na MVP award.

“That’s the rule. Hindi ko alam kung may konsiderasyon kay June Mar kung sakaling mangyari ang mga bagay na ‘yan,” ani Rickie Santos, PBA deputy commissioner for operations.

Nahirang na MVP winner si Willie Miller noong 2002 at 2007 – mga taong kung saan na-pull-out sa mahabang stretch ng PBA season ang ilang major stars upang magsilbi rin sa national team.

Pero mukha namang ‘di ibababad sa training ni national coach Chot Reyes ang current Gilas pool na kinabibilangan ni Fajardo. Lalo na sa SEABA Championship na hindi naman kabigatan ang mga kalaban.

Papasimula ngayon ang three-day training camp ng Gilas pool upang opisyal na i-launch ang Philippine dream na makalaro sa 2019 FIBA World Cup.

Binanggit na ni Reyes na balik sa kani-kanilang PBA mother teams muna ang pool members pagkatapos ng three-day training camp.

Importante lang daw na mai-set sa isip ng mga players ang basic principle ng kanilang opensa at depensa, mailatag ang goal ng team at masimulang i-bond ang pool members.

Matatapos ang training camp/team building session sa Huwebes, isang araw bago ang simula ng 2017 PBA Commissioner’s Cup.

DATOS: Pagkatapos tumuntong ng 47 anyos ang kanyang maybahay na si Leonora “Marilyn” Talon noong Biyernes, nakatakda naman maging 51 ang kumpare kong si Sammy Talon ng Bagbaguin, Valenzuela bukas. Inaaya niya sa maliit na salu-salo ang mga dikit niyang sina Carlo Callos, Eric Silva, Al Espesor, Francis Macaraeg at pati na ang tropang kubong sina Dennis Alemania, Odie Chua at Kandong Pabaya.        

JUNE MAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with