Donaire determinadong patahimikin si Magdaleno
LAS VEGAS – Wa-lang ibang pakay si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kundi ang isang knockout win sa pagdedepensa niya ng suot na World Boxing Organization super bantamweight title laban kay undefeated prospect Jessie Magdaleno sa Linggo (Manila time) sa Thomas & Mack Center dito.
Sa kanyang media workout noong Lunes ay sinabi ni Donaire na makakaiwas lamang si Magdaleno sa kanyang knockout punch kung magsusuot ang Mexican ng bagay na magbibigay ng proteksyon sa ulo ni-ya.
“It’s never going for 12 rounds. Unless you have a helmet, then you can probably take it. But he doesn’t have it,” pani-niyak ni Donaire kay Magdaleno.
Ipinakita ng 33-an-yos na fighter ang kanyang kumpiyansa sa sa-rili sa pagdedeklara ng “limitless” sa harap ng press.
“I am a warrior! I claim victory!” sigaw ni Donaire.
Ngunit hindi mada-ling mapatumba ang kagaya ni Magdaleno.
Si Magdaleno ay nakapagpabagsak ng 17 sa kanyang 23 kalaban.
At isang knockout victory din ang habol ng Mexican challenger.
Ikinainis ni Donaire ang naunang pahayag ng 24-anyos na si Magdaleno na mahina at la-os na siya.
“He can talk all he wants. The big diffe-rence is the silence that I have is because of the confidence that I have,” sabi ng Filipino-American fighter.
Idinagdag pa ng bo-xing champion na ang kayabangan ni Magdaleno ang magiging dahilan ng kabiguan nito.
“The more you speak, the more that you become less of what you’re gonna be. Because you’re gonna talk yourself in there, and that’s what he’s been doing,” wika ni Donaire.
- Latest