Phoenix diretso sa ika-3 panalo
MANILA, Philippines - Maagang kumawala ang Phoenix bago pini-gilan ang ilang tangkang paghahabol ng AMA Online Education tu-ngo sa 97-89 panalo na nagbigay sa kanila ng solo liderato sa PBA D-League Foundation Cup na nagpatuloy sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City kahapon.
Nagtala si Mike Tolomia ng 27 points na sinuportahan nina Ed Daquioag at Alfrancis Tamsi ng 18 at 16 points, ayon sa pagkakasunod para sa Accelerators na di alin-tana ang pagkawala ng mga injured starters na sina Mac Belo at Roger Pogoy tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Sa pagkawala nina Belo at Pogoy, maagang kumilos si Tolomia at kumamada ng 14 puntos sa first period tungo sa 26-13 bentahe ng Phoenix na kanilang pinalaki sa 23 puntos, 70-47 sa third.
Nakalapit ang AMA sa fourth sa 89-95 sa charities ni Gene Belleza, may 53.3 segundo pa.
Ngunit sinagot ito ni Alfred Batino ng dalawang free throws para siguruhin ang panalo ng Accelerators na umiwan sa dating kasosyong Café France Bakers na nalaglag sa ikalawang puwesto.
Tumapos si Ryan Arambulo ng 18 points para sa AMA na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo.
Nagtala rin sina Jaycee Asuncion at Rey Publico ng tig-17 markers habang si Jay-R Taganas ay may 14-points at 21 rebounds para sa kanyang engrandeng pagbabalik sa liga.
- Latest