^

PM Sports

Sino ang pipiliin ni Pacquiao?

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Siguradong  marami na ang nasasabik malaman kung sino ang pipiliin ni Manny Pacquiao sa pagitan nina Timothy Bradley Jr., Terence Crawford at Amir Khan sa kanyang pinakahuling laban bago ito pumalaot sa kanyang laban sa political arena. Wala na sa equation si Floyd Mayweather Jr. matapos itong magretiro. Mariin din niyang sinabi na hindi na niya kailangang labanan si Pacquiao.

Himayin natin isa-isa ang tatlong boksingero.

TIMOTHY BRADLEY JR. - Marami ang may gusto ng Bradley-Pacquiao Part 3. Tabla ang kanilang head-to-head sa 1-1. Si Bradley ang may hawak ng WBO welterweight title, ang titulong isinuko ni Pacquiao kay Mayweather na binakante naman ang naturang korona.

Matapos manalo kina Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez, kasama ang dominanteng TKO kontra kay Brandon Rios noong nakaraang buwan, si  Bradley ang pinaka-logical choice ni Pacquiao Kaya lang baka hindi na magkainteres ang mga tao na panoorin ang Pacquiao Bradley Fight dahil sa mata ng marami na panalo si Pacquiao sa kanilang dalawang paghaharap.

Terence Crawford - Matapos dominahin ang light welterweight division, ang 28-gulang na si Crawford  ay kinokonsidera na ngayon bilang isa sa best pound-for-pound boxers sa buong mundo. Taglay niya ang 27-0 career record at sinasabing magiging exciting ang Crawford vs. Pacquiao.  Maraming kilalang boxer ang nagsasabing kayang talunin ni Crawford si Pacquiao.

Amir Khan - Matagal nang naghahanap ng mala-king laban si Khan at para makakuha ng magandang laban, limang sunod na panalo na ang kanyang naitala. Ang huling panalo ni Khan ay laban kay  Chris Algieri, na tinalo din ni Pacquiao bago natalo kay Mayweather.

 

AMIR KHAN

ANG

BRADLEY-PACQUIAO PART

BRANDON RIOS

CHRIS ALGIERI

CRAWFORD

FLOYD MAYWEATHER JR.

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

TERENCE CRAWFORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with