Calixto Cup tatakbo sa December 6
MANILA, Philippines – Hanggang matapos ang karera kahapon sa San Lazaro Liesure Park, wala pa ring lumalabas na anunsiyo kung kanselado o iniatras ang pakarera ngayong gabi.
Walang inilabas na line-up ng mga kabayo at para bukas na ang ginawang programa pati sa Miyerkules na itatakbo sa Metro Turf.
Aabangan naman bukas ang carry over na P59,216 sa Super Six na mangyayari sa huling karera.
Samantala, muling makakaharap ng Garlimax na kampeon sa juvenile fillies stakes kahapon ang He He He sa darating na 2nd Pasay City Mayor Tony Calixto Cup na itatakbo sa etro Turf Club sa Disyembre 6.
Wala sa mga nominadong kabayo ang Striking Colors at Subterranean River pero nakalista ang tumakbo sa juvenile colts na Show The Whip na tumersero gayundin ang Spectrum na unang inabangan na mananalo sa grupo.
Ang iba pang nailista sa grupo pero wala pang mga hineteng naieskrito ay ang Guatemala, Hotdog, Most Trusted at Pronto para sa karerang gagawin sa 1,200 metrong distansiya.
Inilabas na rin ng Metro Turf ang mga kabayong nominado para sa 2nd Pasay “The Travel City” Cup na gaganapin sa mas mahabang isang milyang karera.
Ang mga kasaling kabayo ay ang Basic Instinct, Be Humble, Cash Register, Don Albertini, Eugene, Lucky Nine, Mabsoy, Our Angel’s Dream, Silver Sword, Star Belle at Strong Champion.
Malapit na rin ang muling pagtatagpo ng dalawang kampeong kabayo na Hagdang Bato at Low Profile sa pakarera ng Pilippine Charity Sweepstakes Office sa kanilang anniversary Stakes sa Santa Ana Park sa Nov. 29.
Kasali rin dito ang Messi, Tap Dance at Penrith.
- Latest