^

PM Sports

Parks Jr. Pasok sa NBA D-League

Pang-masa

MANILA, Philippines – Opisyal nang bahagi ng Texas Legends  si Fil-Am Bobby Ray Parks, Jr. matapos makasama  sa 10-man roster ng koponan sa opening game laban sa Austin Toros sa NBA Development League sa Cedar Park Center saTexas.

Kinuha ng Legends si Parks, hindi nahugot sa NBA rookie draft ngayong taon pero napasama pa rin sa NBA pre-season team ng Dallas Mavericks, bilang kanilang 25th overall pick sa D-League draft noong nakaraang linggo at agad nakasama sa  17-man training camp team.

Matapos makita ang laro ng dating two-time UAAP MVP , bumilib ang Legends at kinuha nila ito kasama ang Indian seven-footer na si Satnam Singh, kinuha ng Mavs sa draft ngunit ipinadala sa Texas kasama si dating NBA player Toure’ Murry.

Si Parks, anak ni da-ting many-time PBA Best Import Bobby, Sr., ang ikalawang Filipino na na-draft sa NBA farm league matapos si Japeth Aguilar na hinugot sa seventh round ng Santa Cruz Warriors tatlong taon na ang nakakaraan ngunit si Parks ang unang Pinoy na lalaro sa NBA D-League dahil hindi sumalang sa laro si Aguilar na ngayon ay nasa  Brgy. Ginebra na.

AUSTIN TOROS

BEST IMPORT BOBBY

CEDAR PARK CENTER

D-LEAGUE

DALLAS MAVERICKS

DEVELOPMENT LEAGUE

FIL-AM BOBBY RAY PARKS

JAPETH AGUILAR

SANTA CRUZ WARRIORS

SATNAM SINGH

SI PARKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with