Oraeme namakyaw ng trophy
MANILA, Philippines – Hindi isang Pinoy kundi isang Nigerian import ang hinirang na Rookie of the Year at Most Valuable Player ng 91st NCAA men’s basketball tournament.
Sa kabuuan ay limang tropeo ang hinakot ni Oraeme dahil siya rin ang napiling Defensive Player of the Year bukod pa sa kanyang pagkakabilang sa First Mythical Team at All Defensive Team.
Dahil sa kanyang hinakot na Player All-Around Value (PAV) na 69.67 points ay nakamit ni Allwell Oraeme ng Mapua Cardinals ang naturang dalawang karangalan na minsan lamang mangyari sa isang liga.
Humakot si Oraeme ng mga averages at league-highs na 20.28 rebounds at 2.94 blocks bukod pa sa kanyang 16.33 points per game para matulungan ang Cardinals na makapasok sa Final Four matapos ang apat na taon.
“Honestly I didn’t expect to win the MVP award, I was really surprised,” sabi ng tubong Lagos, Nigeria.
Si Oraeme ang na-ging ikatlong Rookie MVP winner makaraan sina Ekwe (2006) at Philippine Christian University center Gabby Espinas (2004).
Tinalo ni Oraeme para sa MVP award sina Arthur dela Cruz (60.61 PAV) ng San Beda, Earl Scottie Thompson (57.72 PAV) ng Perpetual Help, Jio Jalalon (55.67 PAV) ng Arellano at Perpetual import Bright Akhuetie (52.88 PAV) na kasama niya sa First Mythical Team.
Kinilala naman si Michael Enriquez ng Mapua Red Robins bilang MVP sa juniors’ division sa kanyang 48.50 PAV laban kay La Salle-Greenhills star Ricci Rivero na may 57.35 PAV.
- Latest