^

PM Sports

Malapi ra iginiya ang Pradera Verde sa panalo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naipakita ni Karvin Malapira ang tamang pagrenda sa kabayong Pradera Verde para mapasaya ang bayang karerista noong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavi­te.

Tumakbo kasama ang coupled entry Café Rodolfo sa huling kare­ra na pinaglabanan sa 1,500-metro distansya, dinaig ng Pradera Verde ang mga napaboran para makatikim din ng panalo.

Ang Wild Talk sa pagdiskarte ni Jessie Guce ang siyang napaboran sa 13 kabayo na naglaban, kasama ang dalawang coupled entries ngunit kondisyon ang Pradera Verde para manalo sa Real Talk ni Dominador Borbe Jr.

Si Antonio Alcasid Jr. ang dating hinete ng Pradera Verde at naihatid niya ito sa pangalawang puwestong pagtatapos noong Agosto 9 sa 1,500m karera.

Lumabas bilang pinakadehado ang nana­long kabayo sa siyam na nagwagi dahil nagpasok ito ng P110.50 sa win.

Lalo pang nagpista ang mga mananaya na nanalig din sa galing ng Real Talk na nagwagi noong Oktubre 3 dahil ang dehadong 8-10 kombinasyon ay nagpamahagi ng P2,754.50 sa forecast.

Humataw din ng panalo ang One Eyed Jane habang ang pinakaliyamadong kabayo na nanalo sa una sa dalawang dikit na pista sa Manila Joc­key Club Inc. (MJCI) ay ang Modern Love sa race five.

Si Jonathan Hernandez ang dumiskarte sa One Eyed Jane at nahigitan niya ang pangatlong puwesto pagtatapos noong huling sumakay sa kabayo nang daigin ang lakas ng Humble Submission.

Ang Spartan na napaboran sa pagdiskarte uli ni Pat Dilema ay hindi nakasabay at nakontento lamang sa pangatlong puwesto.

Umabot pa sa P75.00 ang ibinigay sa win habang ang 5-3 forecast ay may P480.50 dibidendo.

Naipakita ni Guce na gamay niya ang Modern Love nang walang na­ging problema sa pagsungkit ng panalo.

Naglaban ang mga paboritong Modern Love at Getting Better pero sapat ang ipinakita ng una para makuha ang panalo at makapaghatid ng P5.50 sa win habang P6.50 ang ibinigay sa 3-1 forecast. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG SPARTAN

ANG WILD TALK

CLUB INC

DOMINADOR BORBE JR.

GETTING BETTER

MODERN LOVE

ONE EYED JANE

PRADERA VERDE

REAL TALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with