Hindi mangyayari ang All-Patrimonio finals
MANILA, Philippines – Natakasan ng top seed na si Clarice Patrimonio ang mahigpit na labang ibinigay ng ‘di kilalang si Edilyn Balanga upang hatakin ang 6-2, 7-6 (5) panalo para muling magkaroon ng pag-asa sa titulo ng 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.
Bumangon ang 21-gulang na si Patrimonio mula sa 2-5 pagkakalubog sa second set sa pamamagitan ng kanyang mga impresibong returns para ipuwersa ang tiebreaker para ta-lunin si Balanga.
Ang panalo ay nagdala kay Patrimonio sa championship round sa ikatlong pagkakataon na nangyari noong 2011 at 2013 kung saan natalo siya kay Marian Jade Capadocia 1-6, 7-5, 4-6.
May tsansang matapos na ang paghihintay ni Patrimonio sa titulo ngayon.
“I hope so,” sabi ng mahiyaing si Patrimonio, ang reigning UAAP MVP na nag-aaral ng Hotel and Restaurant Management sa National U.
Susunod na makakaharap ni Patrimonio ang teenage sensation na si Maia Balce na siyang sumibak sa kanyang nakakatandang kapatid na si Christine 7-6 (4), 6-3.
Ang fourth-seeded na si Balce, ay nalamangan pa ng No. 7 na si Christine sa 1-3 sa tie breaker ngunit kumulapso ang 23-gulang na 2013 UAAP MVP sanhi ng kanyang kabiguan.
“I was also a little frustrated but I didn’t show it. I was also patient especially in the second set when I was trailing,” sabi ni Balce, fourth year high school student sa St. Paul sa Pasig City.
Ang Patrimonio-Balce finals ay nakatakda nga-yong alas-11 ng umaga.
Susundan ito ng sagupaan nina defending men’s champion PJ Tierro at AJ Lim para sa titulo.
- Latest