^

PM Sports

Japan aminadong underdog vs Pinas

Pang-masa

CHANGSHA – Aminado ang mga  Hapones na malinaw na sila ang underdogs laban sa Gilas Pilipinas sa kanilang sagupaan sa pagsisimula ng second round ng eliminations sa 2015 FIBA Asia Championship.

“Andray Blatche was not in the Jones Cup. They (Gilas) have got them now. They have become a lot better. We’ll just try out best,” sabi ni Japanese ace playmaker Yuta Tabuse.

Dahil dito, pinaghandaan ni Tabuse ang inaasa-hang niyang mahigpit na laban kontra sa mga guwardiya sa panig ng mga Pinoy.

Sa Jones Cup, sinapawan nina Terrence Romeo at Jayson Castro ang dating NBA player  matapos kumamada ang dating FEU star player ng game-high 16 points habang ang huli ay may  game-best na  five assists.

Hindi pa nabubura sa isipan ni Tabuse si Romeo na sumapaw sa kanya sa ilang one-on-one fastbreak plays.

“He’s such a good player. I’m looking forward to play him again,” sabi ni Tabuse.

Ang Gilas Pilipinas ay runner-up sa Iran sa Jones Cup taglay ang 6-2 win-loss mark kontra sa 2-6 ng Japan bilang eighth place  sa 9-teams na naglaban. (NB)

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

ANG GILAS PILIPINAS

ASIA CHAMPIONSHIP

GILAS PILIPINAS

JAYSON CASTRO

JONES CUP

SA JONES CUP

TERRENCE ROMEO

YUTA TABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with