Patrimonio sisters pasok sa semis
MANILA, Philippines - Kapwa pinabagsak ng magkapatid na Christine at Clarice Patrimonio tang kani-kanilang kalaban upang makapasok sa semifinals at lumapit sa kanilang inaabangang paghaharap para sa titulo ng ladies singles division ng 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event na nagpatuloy sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila kahapon.
Nangailangan ang seventh seed na si Christine, 23-gulang, ng tatlong oras at 10-minuto upang igupo si No. 2 Marinel Rudas sa pamamagitan ng come-from-behind 4-6, 6-3, 6-4 panalo habang dinispatsa ng 21-gulang na si Clarice, ang mas batang si Rafaella Villanueva, 6-1, 6-3.
Makakaharap ng nakakatandang Patrimonio si No. 4 Maia Balcena, blinangko si Hannah Espinosa, 6-0, 6-0 habang ang mas batang anak ni dating PBA star Alvin Patrimonio ay sasabak kay Edilyn Balanga, na nanalo kay Hope Rivera, 6-3, 6-1 sa semis bukas.
Sa men’s action, pumasok din sa semis sina eighth-time winner Johnny Arcilla at defending champion PJ Tierro matapos ang kanilang magkahiwalay na panalo.
- Latest