^

PM Sports

15th NAASCU sa primetime

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ito na ang pagkakata­on ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universi­ties (NAASCU) na ma­tunghayan sa telebis­yon.

Inihayag kahapon ni league chairman Dr. Jay Adalem ng St. Clare sa PSA Forum sa Shakey’s Malate na ipapa­labas ang 15th season ng NA­ASCU sa IBC-Channel 13.

“It’s the chance of NA­ASCU to be in the spot­light now with our games being shown on primetime. Maski na­man 'yung UAAP and NCAA wala ring co­ve­rage ang mga iyan nu'ng nag-start sila,” ani Adalem.

Mapapanod ang mga laro ng NAASCU sa IBC-13 sa pamamagitan ng Asian Television Content (ATC) na kina­ta­wan ni Engr. Rey Sanchez.

Ang mga aksyon sa liga ay isasaere tuwing Lunes at Huwebes mula alas-7 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi.

Idedepensa ng Centro Escolar University ang kanilang korona sa pagsisimula ng torneo sa Biyernes sa Cuneta As­trodome.

Maliban sa CEU, ang iba pang miyembro ng tinatawag na ‘Third League’ ay ang host New Era Universi­ty, St. Clare College of Ca­lo­ocan, Fatima Univer­sity, Diliman College, Ci­ty University of Pasay, Philippine Christian University at Rizal Technological Universi­ty.

ACIRC

ANG

ASIAN TELEVISION CONTENT

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLLEGES AND UNIVERSI

CUNETA AS

DILIMAN COLLEGE

DR. JAY ADALEM

FATIMA UNIVER

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with