Russians pinabagsak ng Gilas Pilipinas
TAIPEI – Ipinakita ng Gilas Pilipinas na hindi sila matitinag maski sino ang humarap sa kanila.
Tinapatan ng Nationals ang pisikal na laro ng Spartak-Primorye ng Russia para iposte ang 85-71 at ilista ang kanilang ikalawang panalo sa 2015 William Jones Cup kahapon dito sa Xinchuang Gymnasium.
Muntik nang magkaroon ng 'free-for-all' sa pagsisimula pa lamang ng first period nang bigyan ng hardfoul ni Aleksei Goliakhov si Gilas guard Terrence Romeo.
Nagkaroon naman ng sugat sa ulo si Sonny Thoss nang masiko ni Alimdzhan Fediushin.
Limang tahi ang kinailangan para maisara ang naturang sugat sa ulo ni Thoss na hindi na ibinalik sa laro ni coach Tab Baldwin.
“It’s a good experience and good win for the team,” sabi ni Baldwin. “Had they backed down from them, they would have to confront me.”
Kinuha ng Nationals ang malaking 19-point lead, 84-65, sa fourth quarter para selyuhan ang kanilang panalo sa Russians.
Umiskor si Ranidel de Ocampo ng 13 points, kasama rito ang tatlong tres, habang may 11 markers si Romeo kasunod ang tig-10 nina Calvin Abueva, Matt Ganuelas at Moala Tautuaa.
“What I liked the most was that we played with our roles – the shooters getting their shots, the rebounders getting the rebounds. From that standpoint, it’s a team win,” ani Baldwin.
GILAS PILIPINAS 85 - De Ocampo 13, Romeo 11, Abueva 10, Tautuaa 10, Ganuelas 10, Intal 8, Taulava 7, Rosario 6, Hontiveros 6, Alapag 3, Thoss 1, Ramos 0.
Spartak 71 - Glazyrin 23, Goliakhov 12, Uzinskii 11, Savelev 10, Ferorkhov 5, Fediushin 5, Ivanov 4, Zverokv 1.
Quarterscores: 20-23; 43-40; 61-50; 85-71.
- Latest