Dela Cruz hinirang na Player of the Week
MANILA, Philippines - Bago siya maglaro sa professional league ay gusto ni Arthur Dela Cruz na iwanan ng NCAA crown ang five-peat champions na San Beda Red Lions.
“I want to give San Beda another championship before enter the PBA,” wika ni Dela Cruz. “If I can win the MVP award, I’ll consider it a bonus.”
Nasa ikalawang silya ngayon ang 6-foot-3 na si Dela Cruz sa karera para sa Most Valuable Player award ng 91st NCAA men’s basketball tournament.
Napili si Dela Cruz bilang seventh overall ng Blackwater sa nakaraang 2015 PBA Rookie Draft.
Nakasama si Dela Cruz sa top five sa points (20.36), rebounds (12.09) at assist (6.09).
Kasalukuyang nangunguna sa MVP race si Nigerian import Allwell Oraeme ng Mapua Cardinals.
Sa 96-84 panalo ng Red Lions laban sa Emilio Aguinaldo College Generals noong nakaraang Martes ay kumamada si Dela Cruz ng 30 points, 10 rebounds, 5 assists at 4 steals.
Nagtala naman ang San Beda forward ng 17 points, 10 boards at 7 assists sa kanilang 89-63 paggiba sa St. Benilde Blazers noong Biyernes.
Dahil dito ay hinirang si Dela Cruz bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week.
Tinalo ni Dela Cruz para sa nasabing weekly honor sina point guard Mark ‘Ant Man’ Cruz ng Letran Knights at Cameroonian big man Jean Victor Nguidjol ng Lyceum Pirates.
- Latest