^

PM Sports

15 sports events sa 28th Milo Little Olympics

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kabuuang 15 sports events, kasama ang dalawang demonstration sport, ang nakalatag para sa 28th Milo Little Olympics.

Ang mga events na nakahanay sa Milo Little Olympics ay ang athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, lawn tennis, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball, sepak takraw at scrabble.

Ang arnis at karate-do naman ang magiging demo sport ng taunang sports event.

Ang first leg ng Milo Little Olympics ay pakakawalan sa Cagayan De Oro sa Agosto 21-23 kasunod sa Santa Rosa, Laguna sa Agosto 28-30.

Ang third leg ay gagawin sa Baguio City sa Setyembre 4-6 at ang fourth leg ay idaraos sa Setyembre 11-13 sa Iloilo.

Ang lahat ng gold medallists sa nasabing apat na elimination legs ang kakatawan sa kanilang mga rehiyon sa National Finals sa Sta. Rosa, Laguna sa Oktubre 23-25.

“We’re happy to partner with the province of Laguna this year as our host of not just one, but two events including the National Finals this October in Sta. Cruz,” wika ni Milo Sports Executive Robbie de Vera sa event launch kahapon sa Shakey’s Malate.

Nakasama ni De Vera sa nasabing press conference sina Milo executive Andrew Neri, Vincent Soriano at Von Cruz ng Laguna at NCR Little Olympics director Robert Calo. 

AGOSTO

ANDREW NERI

ANG

BAGUIO CITY

CAGAYAN DE ORO

DE VERA

LITTLE OLYMPICS

MILO LITTLE OLYMPICS

MILO SPORTS EXECUTIVE ROBBIE

NATIONAL FINALS

ROBERT CALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with