^

PM Sports

Khan handing harapin si Manny

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ilang beses ring nag-iwasan sina Manny Pacquiao at Amir Khan dahil sa kanilang pagiging sparmates at pagkakaroon ng isang trainer sa katauhan ni Freddie Roach.

Ngunit kung kapalaran nila ang maglaban ay handa si Khan na makasagupa ang Filipino world eight-division champion.

Sinabi ni Khan sa panayam ng Bad Left Hook na marami nang nabago sa kanyang istilo habang wala siyang nakitang pagbabago sa galaw ni Pacquiao.

“I’ve changed a lot in my style. Whereas Manny Pacquiao is still the same fighter as he was, because he’s always been with Freddie Roach,” wika ni Khan.

Sinabi kamakalawa ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na maaari niyang ilakad ang laban nina Pacquiao at Khan sa susunod na taon sa Middle East.

Ang pangalan ng 28-anyos na si Khan ang pinakamatunog na maaaring harapin ni Pacquiao matapos ma-bigo kay Floyd Mayweather, Jr. via unanimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kung matutuloy ito ay sinabi ni Khan na mas magiging maaksyon ang upakan nila ng 36-anyos na si Pacquiao kaysa sa naging laban nito sa 38-anyos na si Mayweather.

“Both of us have big hearts, hand speed and skills. That’d be an amazing fight,” sabi ni Khan kay Pacquiao.

Si Khan ay nagsasanay ngayon sa ilalim ni trainer Virgil Hunter. (RC)

vuukle comment

ACIRC

AMIR KHAN

BAD LEFT HOOK

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

KHAN

LAS VEGAS

MIDDLE EAST

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with