Mas lalong umiinit Pacquiao-Mayweather fight
LAS VEGAS – Wala pang ticket na naibebenta, ngunit ang pinakamayamang laban sa boxing history ay lalong lumalaki araw-araw.
Sa pinakabagong estimasyon, si Floyd Maywea-ther Jr. ay maaaring kumita ng $180 million na mas malaki sa naunang inihayag na $120 milyon.
Si Manny Pacquiao, pumayag sa 40-60 purse split, ay puwedeng tumanggap ng higit sa $100 milyon kapag ang lahat ng dapat kuwentahin ay nagawa na.
Lumalaki ang pera na hindi inaasahan dahil limang taon ang ipinaghintay ng mga boxing fans para mai-takda ang Pacquiao-Mayweather fight.
“For whatever it’s worth, the buildup over these years has certainly enhanced the fight,” sabi ni promoter Bob Arum. “Everybody knows about it now, even people who don’t follow boxing. Plus we have a good economy, unlike in 2009 when people were out of work and didn’t have the money to spend.”
Dapat magbayad ng mahal na tiket ang mga fans para mapanood ang May 2 welterweight title bout sa MGM Grand arena itself.
Ang mga presyo ng tiket ay nagkakahalaga mula $1,500 sa upper deck hanggang $7,500 sa ringside, habang maliit na porsiyento lamang ang mabibili ng publiko.
Sinabi ni Arum na ang gate sa MGM ay kikita ng higit sa $72 milyon na sasapaw sa live gate record na $20 milyon sa Nevada sa laban ni Mayweather kay Canelo Alvarez noong 2013.
Bagama’t maglalaan ang MGM ng ilang tiket sa pinakamalalaking sugarol, sinabi ni Arum maski ang mga celebrities na normal na nakakakuha ng libreng tiket para makaupo sa ringside ay kailangan ding magbayad para mapanood ang laban.
Inihayag ng mga promoters na ang Sky Sports ang magsasaere ng laban sa pay-per-view sa England at ilang parte ng Europe, isa pang bahagi ng $35 milyon na magmumula sa foreign rights.
Idagdag pa dito ang $10 milyon sa sponsorships.
Ang Tecate beer ang magiging main sponsor kaya inaasahang may higit sa $100 milyon nang kita ang laban bago pa may bumili sa North America ng pay-per-view.
Ang isang home viewer ay dapat magbayad ng $100 para sa pay-per-view sa U.S.
Sa laban ni Mayweather kay Oscar De La Hoya noong 2007, umabot sa record na 2.44 milyon ang pay-per-view buys.
Ngunit marami ang naniniwalang lalampasan ito ng Mayweather-Pacquiao fight.
“That’s the one element that’s a mystery,” ani Arum. “It seems like it will break the record, but who really knows? Anyone who predicts the total pay-per-view is whistling in the dark.”
- Latest