^

PM Sports

National Open-Invitational Vilog itinakbo ang gold sa men’s 800-meter run

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isa sa maituturing bi­lang atletang tunay na lu­mabas ang galing sa Philippine National Open-In­vitational Ath­le­tics Championships ay ang 20-anyos na si Mar­co Vilog.

May taas na 5-foot-10, ang 2014 Philippine Na­tional Games bronze medalist ay nagpakila­la nang talunin niya ang mga paborito sa 800-meter run sa Lagu­na Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.

Naorasan ang mag-aaral ng Lyceum-Ba­tangas at nagsasanay sa ilalim ng dating 400-m run SEAG gold meda­list at ngayon ay coach na si Er­nie Candelario ng 1:51.60 para sorpresa­hin ang national athlete na si Wenlie Maulas (1:51.91) at si Myanmar SEA Games veteran Maniam Kesayan ng Malaysia (1:51.98).

Ang nagpakinang sa panalo ni Vilog ay nang hinigitan niya ang SEAG bronze medal cri­teria na 1:51.62 ni Doung Van Thai ng Viet­nam.

Puwedeng masama sa­na si Vilog sa Singa­pore SEA Games pero hindi naisama ang kanyang pangalan sa naunang listahan na ipina­tala ng PATAFA sa mga organizers.

Ngunit hindi masasa­yang ang ipinakitang ga­ling ni Vilog dahil ma­sasama siya sa trai­ning pool.

Isa ring lumutang ay si Francis Medina ng Leyte Sports Academy-Perpetual Help Altas da­hil ang junior runner ang siya pa lamang na na­kawasak ng national re­cord.

Kinuha ni Medina ang 110-m hurdles sa loob ng 14.23 segundo para tabunan ang 14.52 na sariling record noong 2014 ASEAN Schools Championships sa Ma­ri­kina City.

Hindi naman nabi­go si Fil-Am Jessica Barnard sa pagdomina sa paboritong 3,000-m steeplechase sa oras na 11:34.45.

Malayo ito sa kanyang Phl record na 11:04.84 nang nanalo ng bronze sa Myanmar SEAG.

DOUNG VAN THAI

FIL-AM JESSICA BARNARD

FRANCIS MEDINA

ISA

LEYTE SPORTS ACADEMY-PERPETUAL HELP ALTAS

MANIAM KESAYAN

MYANMAR

SHY

VILOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with