^

PM Sports

Blue Eaglets nakatutok sa korona

ATan - Pang-masa

LARO NGAYON

(The Arena,

San Juan City)

2 p.m. – Ateneo vs NU

(Game 3, Finals)

 

MANILA, Philippines - Tapusin ang tatlong taong pagkauhaw sa ti­tu­lo ang pagsisikapang gawin ng Ateneo Blue Eaglets sa pagharap sa nagdedepensang Na­tio­nal University Bull­pups sa Game Three sa 77th UAAP juniors basketball finals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Asahan na magkuku­lay asul ang kapaligiran para pataasin ang morale ng mga Blue Eaglets na nangangai­langan na lamang na ma­nalo ngayong alas--2 ng hapon para kilalaning muli bilang kampeon.

Taong 2010 nang hu­ling makatikim ng ti­tulo ang Blue Eaglets at sa season na ito dapat ku­minang ang koponan ma­tapos gumawa ng 14-0 sweep sa double round elimination.

Naunsiyami ang pa­kay nilang 16-0 sweep nang padapain sila ng Bullpups sa Game One, 76-72, pero inilin­yang muli ang sarili sa ha­ngad na kampeonato mula sa 78-76 panalo sa Game 2 noong Lunes.

“We did what we do best, that is sharing the ball,” wika ni coach Joe Silva sa naging diskarte nila sa laro.

Higit sa team work, kakailanganin din ng Blue Eaglets ang alisin ang pressure dulot ng ma­kukuhang titulo.

“They should not think too much. I just want them to have fun,” dagdag ni Silva na sa­san­dal kina Mike at Matt Nieto bukod kay Lo­renzo Mendoza.

Wala namang ibang gagawin ang Bullpups kundi dalhin ang la­ban sa Blue Eaglets lalo pa’t nakataya sa resulta ng bak­bakan kung ma­hu­hu­bad na ba ang hawak ni­lang titulo.

Nagdomina pa rin ang NU sa rebounding (48-40) at inside points (32-22) pero malamya ang kanilang depensa.

Si Mark Dyke, na­li­­mitahan sa 12 puntos at 16 rebounds matapos ang 20 puntos at 17 boards sa Game One, ang huhugutang muli ng solidong numero ng mga Bullpups.

ATENEO BLUE EAGLETS

BLUE EAGLETS

GAME ONE

GAME THREE

JOE SILVA

MATT NIETO

SAN JUAN CITY

SHY

SI MARK DYKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with