^

PM Sports

Memphis wagi sa Nets

Pang-masa

MEMPHIS, Tenn. – Binigyan ng Memphis Grizzlies fans si Lionel Hollins ng isang standing ovation. Ipinakita rin ng koponan ang isang video tribute sa kanilang dating head coach.

At ang kasaluku-yang bersyon ng Grizzlies na minsang nakapasok sa Western Conference Finals ay kaagad rumatsada para panatilihin ang double-digit advantage patungo sa 95-86 panalo laban sa bagong koponan ni Hollins na Brooklyn Nets.

“It was great,’’ sabi ni Hollins. “I enjoyed it from a standpoint of the respect that they showed and the admiration for the work I’ve done here. But it was about trying to win a game.’’

Nawala ang pag-asa ng Brooklyn na manalo nang lumamang ang Memphis sa first period at hindi na isinuko ang double-digit advantage hanggang matapos ang laban.

Umiskor si Zach Randolph ng 19 points para pamunuan ang Grizzlies, habang humakot si Marc Gasol ng 14 at 11 rebounds na isa lamang sa anim pang Grizzlies na naglista ng double figures.

Ito ang ika-14 panalo ng Memphis sa kanilang huling 16 laro.

Nalasap naman ng Nets ang ikapito nilang kabiguan sa 10 laban.

Sa Chicago,  tumipa si Tony Snell ng career-high na 24 points mula sa 9-for-11 shooting para tulungan ang Chicago Bulls sa 104-86 paggiba sa Sacramento Kings.

Kumolekta naman si Pau Gasol ng 26 points at 16 rebounds - ang kanyang NBA-best na ika-34 double-double sa season.

BROOKLYN NETS

CHICAGO BULLS

LIONEL HOLLINS

MARC GASOL

MEMPHIS GRIZZLIES

PAU GASOL

SA CHICAGO

SACRAMENTO KINGS

TONY SNELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with