^

PM Sports

Ribo bibida sa Tropang Alab sa HOK tourney

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Midlaner at former M2 World Champ for Mobile Legends, Carlito Ribo ang Tropang Alab na lalahok sa Disyembre 20 hanggang 22 para mag-qualify sa darating na Honor of Kings (HOK) Invitational Season 3.

Ang ibang miyembro na makakasama ni Ribo Bang Bang ML (In-Game Name) sa esports team ay sina Clash Laner Carl Jioseppe Lacsam (IGN: Calm); Jungler Mark Clinton Pelayo (IGN: Fate); Farm Laner John Christian (IGN: Jaycee); Roamers Ronnel Tan (IGN: Stronger) at Charles Richard Orlain (IGN: Yato); at team coach Jemvic Pingol (IGN: Mori). 

Mula sa grassroots amateur tournament, opis­yal ng inihayag ang TNT bilang pro team kung saan ay suot nila ang iconic colors ng koponan, isa sila sa mabibigat na kalaban sa Honor of Kings (HOK).

“With Honor of Kings growing in popularity, TNT is proud to support the esports landscape by introducing Tropang Alab, showcasing our commitment to the gaming community, and empowering Filipino talent to shine globally.” ani Lloyd R. Manaloto, TNT Group Head.

Nakapagpakitang gilas na ang Tropang Alab sa HOK tournament nang manalo sila sa Rumble Royale (September 2024), Kings Ordeal Southeast Asia (October 2024), Blacklist Initiation (November 2024), at realme Regional Wars South Luzon (November 2024).

Nakatuon ang Tropang Alab na palawakin ang kanilang teamwork at gameplay, kabilang sila sa teams na naimbitahan na local qualifiers sa HOK Season 3 na lalarga sa first quarter ng 2025 sa Pilipinas.

CARLITO RIBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with