Roda wagi sa Chinese-Taipei Open
MANILA, Philippines — Inilabas ni Pinoy cue master Jefrey Roda ang kanyang bagsik upang angkinin ang kampeonato sa 3rd Universal Chinese-Taipei Open na idinaos sa Taipei, Taiwan.
Napasakamay ni Roda ang korona makaraang itakas nito ang pukpukang 13-11 panalo laban kay dating world champion Ko Pin Yi ng host Chinese-Taipei sa championship round.
“Words cannot express the overwhelming joy and gratitude I feel at this moment. For years, I have dreamed of becoming a champion and through relentless effort, unwavering dedication and countless sacrifices, that dream has finally come true,” wika ni Roda.
Ito ang unang major title ni Roda.
Nagkasya lamang sa runner-up finish si Roda sa Lushan, China, habang nakapasok ito sa semifinals sa Hanoi, Vietnam bago maisakatuparan ang inaasam na kampeonato sa Taiwan.
Kaya naman hindi maitago ni Roda ang saya sa kaniyang nakamit na tagumpay.
“The journey was never easy — it was filled with challenges, setbacks and moments of doubt — but I always believed that with perseverance, faith, and hard work, this day would come,” ani Roda.
- Latest