Bulls isinalba ni Rose
OAKLAND, California — Nagsalpak si Derrick Rose ng isang step-back jumper sa hu-ling pitong segundo sa overtime para akayin ang Chicago Bulls sa 113-111 panalo laban sa Golden State Warriors.
Dahil dito, tinapos ng Bulls ang franchise-record na 19-game home winning streak ng Warriors.
Lumamang ang Bulls ng 3-1/2 game sa ibabaw ng Central Division habang ang dalawa pang divisional leaders na Memphis at Toronto ay kumuha ng mas kompor-tableng mga panalo.
Nagdribol si Rose sa kaliwa para makakuha ng magandang anggulo laban kay Klay Thompson tungo sa kanyang winning jumper.
Tumapos si Rose na may 30 points sa kanyang 13-of-33 fieldgoal shooting, habang napuwersa siya sa career-worst na 11 turnovers.
Nabigo namang maikonekta ni Thompson ang kanyang running bank shot sa pagtunog ng final buzzer para sa unang ka-biguan ng Golden State sa Oracle Arena sa nakaraang dalawang buwan.
Pinilit ng Warriors na dalhin ang laro sa overtime sa pamamagitan ng tip-in ni Draymond Green sa natitirang 1.4 segundo sa regulation.
Samantala, tinalo naman ng Memphis Grizzlies ang Dallas Mave-ricks, 109-90.
Humakot si Zach Randolph ng 22 points at 10 rebounds, habang nagdag-dag si Marc Gasol ng 15 points at game-high na 6 assists para sa Grizzlies, naipanalo ang walo sa kanilang huling siyam na laro para manatili sa itaas ng Southwest Division.
Tumipa sina Chandler Parsons at Monta Ellis ng tig-19 points sa panig ng Mavericks, nabigong maibigay kay coach Rick Carlisle ang ika-600 career victory nito.
Naglista naman ang Toronto Raptors ng bagong franchise record nang makamit ang kanilang ika-30 panalo sa bisa ng 104-91 tagumpay sa Indiana Pacers.
- Latest