^

PM Sports

Kumpleto recados

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Sisipa na ang kapana-panabik na PBA Philippine Cup Last Four – Season 49 closer na masagana ang sahog o nag-uumapaw ang recados.

Nariyan ang Barangay Ginebra na syempre eh hinihintay ng marami.

Nariyan din ang San Miguel Beer na magbibigay ng patok na semis pairing kontra Ginebra.

Bandera dito ang matchup ni June Mar Fajardo at Japeth Aguilar, habang habol ni The Kraken ang panibagong Best Player of the Conference at season MVP trophies.

Sa kabilang matchup, featured ang TNT Tropang 5G na tugis ang Grand Slam dream. Haharapin nila ang Rain or Shine, na winawagayway ang bandera ng mga PBA independent teams.

Ulit ito ng Governors Cup semis waltz na pinagtapat din ang San Miguel kontra Ginebra at TNT laban sa ROS.

Sa season-ending all-Filipino semis, Triple Crown ang habol ng TNT, pagbabalik ng winning tradition ang sa SMB, redemption ang sa Ginebra (pagkatapos nang pagtupi sa Governors Cup at Commissioner’s Cup finals) at sense of belonging ang para sa ROS.

Pawang highly motivated at matindi ang determinasyon sa pagsipa ng best-of-seven series ngayong gabi sa Mall of Asia Arena.

Hahawian na ang talon nang inaasahang klasiko sa magkabilang semis matchups.

Llamado sa kalidad ang lineups ng San Miguel Beer at TNT. Pero mahirap balewalain ang kakayahan ng Ginebra at ROS.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with