^

PM Sports

Sherbet Fountain maangas sa Special Invitational race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasilayan ng mga karerista ang magandang panalo ng Sherbet Fountain nang sikwatin ang korona sa 2025 PHILRACOM “Special Invitational Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Hindi naging madali para sa Sherbet Fountain ang panalo dahil napalaban ng husto ang top favorite sa bandang dulo ng karera nang makipagtagisan ng bilis sa agresibong Ace Of Diamond na siyang hu­mawak ng bandera sa halos buong labanan.

Mabilis na sumibat papalabas ng aparato ang Ace Of Diamond para hawakan agad ang limang kabayong agwat sa humahabol na Windfall.

Umungos pa lalo ang Ace Of Diamond sa kalagitnaan ng karera, umabot na sa anim na kabayo ang bentahe sa Windfall pero nasa tersero puwesto na ang Sherbet Fountain.

Naagaw ng Sherbet Fountain ang unahan sa Ace Of Diamond sa huling 200 meter ng karera pero hindi rin basta nagpatinag ang huli.

Nagkaroon ng matin­ding bakbakan kung saan ay nakisali pa ang Varatti subalit nanatili ang tikas ng Sherbet Fountain.

Ginabayan ni vete­ran jockey Mark Angelo Alvarez, naging matatag sa rektahan ang Sherbet Fountain upang tawirin ang meta sa tiyempong 1:37. 4 minuto.

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with