^

PM Sports

Para makopo ang titulo ng NCAA Women’s Volleyball: Teamwork ang sikreto ng Lady Chiefs sa pagwalis sa Lady Stags sa title series

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi kakulangan para sa isang koponan ang ka­wa­lan ng dominanteng man­lalaro basta’t ang ba­wat isa ay nagtutulung-tu­long.

Ito ang ipinakita ng Arel­lano Lady Chiefs na siyang kinilala bilang pi­na­kamahusay na ko­po­nan sa 90th NCAA wo­men’s volleyball tourna­ment nang wa­lisin ang multi-titled team na San Sebas­tian Lady Stags, 2-0, sa ka­nilang best-of-three finals series.

Ang Lady Stags ay pi­nangunahan ng be­te­ranang si Gretchel Sol­to­nes na siya ring kinilala bi­lang MVP at Best Sco­rer ng liga.

Ang iba pa niyang ka­kampi tulad nina libe­ro Alyssa Eroa at Nikka Da­lisay ay tumanggap din ng pa­rangal.

Si Eroa ang Best Digger at Receiver habang si Da­lisay ang Rookie of the Year.

Ngunit hindi sapat ang talento ng mga ito para maigupo ang may teamwork na Lady Chiefs para maiba­on ang kabiguang inabot sa mga kamay ng Perpetual Help Lady Al­tas noong nakaraang taon.

“Walang nabigyan ng individual awards sa amin dahil ang concept ng team ay dapat magtulung-tulong ang lahat sa opensa at depensa,” wika ni head coach Obet Javier.

Si Menchie Tubiera ang pinarangalan bilang Fi­nals MVP matapos gumawa ng kabuuang 31 hits (15.5 ave­rage), pero hindi maitatatwa ang mahusay na su­por­ta ng ibang kasamahan para makati­kim ng korona sa li­­ga.

Sina Danna Henson, Cristine Joy Rosario at team captain Rialen Sante ay gumawa ng 25, 22 at 17 hits sa title series, ha­bang ang setter na si An­gelica Legacion ay naghatid ng 56 kabuuang excellent sets para mana­ig sa karibal na si Vira May Guillema na may mahinang 23 excellent sets ma­tapos ang dalawang laro.

Ito ang ikalawang ti­tu­lo ng Arel­lano sa taon matapos maghari ang ka­nilang se­nior chess team at lalabas na ikatlong ti­tulo sapul nang su­­mali sa liga noong 2009 dahil nag­kampeon sila sa men’s beach volley noong 2010 at 2011 seasons. (ATan)

vuukle comment

ALYSSA EROA

ANG LADY STAGS

AREL

BEST DIGGER

BEST SCO

CRISTINE JOY ROSARIO

GRETCHEL SOL

LADY CHIEFS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with