^

PM Sports

Open tryout para sa women’s volleyball team

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binuksan ng POC ang pintuan para sa lahat ng mga women vol­leyball pla­yers na na­is mapabilang sa ko­ponan na ilalaban sa Southeast Asian Games sa Singapore sa Hun­yo 5-16.

Ang POC ang siyang nangangasiwa sa paghahanda sa volleyball dahil hindi nila kinikilala ang liderato ng Philippine Volleyball Fede­ration (PVF) bunga ng pa­tuloy na kawalan ng eleksyon.

Si POC 1st Vice Pre­sident Joey Romasanta ang siyang tinokahan na pamunuan ang pagha­han­da ng bansa at mina­buti niyang buksan sa la­hat ang pagpapatala ng kanilang pangalan pa­ra siyang pagpilian ni­na national coaches Ro­ger Gorayeb at Sammy Acaylar.

Ito ay para ma­bigyan din ng pagkakataon ang mga manlalarong napi­li sa PVF team upang matiyak na malakas ang national women’s team.

“Ang maganda nga­yon lahat ay magka­ka­­roon ng opportunity na ma-consider sa SEA Games,” wika ni Romasanta.

Nagkaroon na rin ng ugnayan ang POC at ang team captain ng PVF team na si Tina Salak pa­ra siya na lamang ang mag­dala ng  biodata ng mga kasamahan na interesado na mapasama sa bubuuing koponan.

“Ang mahalaga ay bi­nuksan na natin ang pin­tuan para mabigyan ng pagkakataon ang lahat,” ani Romasanta.

Nauna nang nagpla­no ang POC na mag-im­bita lamang ng ilang man­lalaro pero dahil ma­taas ang antas ng wo­men’s volleyball sa ban­sa kaya isinantabi ang pla­no.

Taong 2005 nang hu­­ling maglaro ang Pi­lipinas sa SEA Games at kung makakapasok ang mga mahuhusay na man­lalaro ay kayang ma­­kakuha ang bansa ng sil­ver medal.

Pumasok ang POC dahil hindi makakala­ro ang mga NSAs sa SEA Games kung hindi bibigyan ng basbas ng Na­tional Olympic Committee (NOC).

vuukle comment

JOEY ROMASANTA

OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDE

ROMASANTA

SAMMY ACAYLAR

SHY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TINA SALAK

VICE PRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with