Garnett suspendido, Howard pinagmulta
EAST RUTHERFORD, New Jersey – Nakaligtas sa suspension si Dwight Howard ng Houston Rockets, ngunit hindi si Kevin Garnett ng Brooklyn Nets.
Pinatawan si Garnett kahapon ng NBA ng one game suspension nang walang bayad matapos ang panghe-headbutt kay Howard.
Pinagmulta naman si Howard ng halagang $15,000 ng liga nang mapatunayang itinulak lamang nito sa leeg si Garnett matapos ang headbutt sa kanya.
Ayon kay NBA Pre-sident of Basketball Ope-rations Rod Thorn, si Garnett ang nagsimula ng gulo sa 113-99 panalo ng Rockets laban sa Nets noong Lunes.
“It’s an emotional game,” sabi ni Nets coach Lionel Hollins. “I’m not getting into why he did what he did, but it’s an emotional game and you compete and things happen. Tempers flare up a little bit and then you have to pay the consequences.”
Hindi makakalaro si Garnett sa pagsagupa ng Nets sa Memphis Grizzlies sa Miyerkules.
Nangyari ang away nina Howard at Garnett sa 7:53 minuto sa first quarter matapos matawagan ng foul si Garnett kontra kay Howard.
Nagtulakan ang dalawa bago batuhin ni Garnett ng bola sa likod si Howard.
Nang magharap sila ay ibinunggo ni Garnett ang kanyang ulo malapit sa bibig ni Howard. Gumanti si Howard at itinu-lak sa leeg si Garnett.
Napatalsik sa laro si Garnett at nabigyan si Howard ng isang technical foul.
Ikinagalit ni Hollins ang hindi pagpapatalsik kay Howard na pinaniniwalaan niyang sumuntok kay Garnett.
Dahil sa suspension without pay ay hindi matatanggap ni Garnett ang halos $109,000 sa kanyang $12 million sahod.
- Latest