^

PM Sports

PSC suportado ang POC sa pagbabago sa SEA Games

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ngayon pa lamang ay nag-iingay na ang Pilipinas kaugnay sa magiging patakaran para sa dara­ting na Southeast Asian Games sa Singapore.

Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na da­pat nang magkaroon ng pag-uusap ang mga mi­yem­bro ng SEA Games Fe­deration para sa mga sports at events na isasa­ma sa 2015 Singapore SEA Games.

Kinatigan ni Garcia ang plano ni Philippine Olympic Committee pre­sident Jose Cojuangco na imbitahan ang mga mi­yembro ng SEA Games Fe­deration para sa isang pu­long.

Umaasa si Cojuangco na makakakuha siya ng atensyon sa kanyang mga kapwa miyembro para ayu­sin ang officiating at ang paghahanay ng mga events sa SEA Games.

“The POC has the authority to call for a mee­ting among the members of the federation and for all of them to look at the sports being played in the SEA Games,” sabi ni Gar­cia.

Sa obserbasyon ng PSC chief, walang fixed sports at events na inila­latag sa SEA Games.

“It changes quite too often. Pabagu-bago. And sometimes people (other members) don’t realize that certain events have al­ready been scratched,” sa­bi ni Garcia.

Sa 2015 SEA Games sa Singapore sa Hunyo ay kabuuang 402 gold me­dals ang paglalabanan sa 36 sports.

Matagal nang nangyayari na ang host country ng SEA Games ang naglalagay ng maraming gold medals sa kanilang mga piniling traditional at indigenous sports.

Puwede ring alisin ng host country ang mga events kung saan sila mahina.

Noong 2013 SEA Games ay hindi isinama ang mga Olympic sports kagaya ng gymnastics, tennis at beach volleyball, habang ipinasok naman ang vovinam, kempo at chinlone.

Ito ang nagbibigay sa host countries ng bentahe sa medals race. (AC)

GAMES

GAMES FE

GARCIA

JOSE COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SEA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with