^

PM Sports

Dahil sa pagmamaneho nang lasing noong Setyembre Phelps napatawan ng 18-month probation

Pang-masa

BALTIMORE – Uma­min sa kanyang ka­salanan si American swimmer Michael Phelps, ang Olympian na may pinakamara­ming gintong medal­yang napanalunan, kaugnay sa pagmamaneho niya nang lasing.

Napatawan siya ng 18 buwan na supervised probation at one-year sus­pended jail sentence.

Inaresto ang 18-time Olympic gold meda­list noong Setyembre 30 ma­tapos ang mabilis na pag­mamaneho nang nakainom at lumampas sa double yellow lines sa loob ng isang Baltimore tunnel, ayon sa pulisya.

“The last three months of my life have been some of the har­dest times I’ve ever gone through, some of the biggest learning expe­riences I’ve ever had,” pag-amin ni Phelps, na­kasuot ng dark suit, white shirt at blue tie, sa mga reporters.

“I’m happy to be mo­ving forward. I’ll continue to grow from this,” dagdag pa nito.

Ang 29-anyos na si Phelps ay naorasan ng radar ng ala-1:40 ng ma­­daling-araw at bu­ma­bagtas sa bilis na 84 miles per hour (135 kph) sa isang 45-mph (72-kph) zone.

Nahaharap si Phelps sa isang taon na pagka­kabilanggo at multang $1,000.

Ang drunken-driving arrest ay ikalawa na pa­ra kay Phelps

Hangad ni Phelps na mapasama sa U.S. team para sa 2016 Olympics.

Siya ay sinuspinde ng anim na buwan ng USA Swimming at bina­walang katawanin ang US sa 2015 FINA World Swimming Championships sa Russia.

HANGAD

INARESTO

MICHAEL PHELPS

NAHAHARAP

NAPATAWAN

PHELPS

SETYEMBRE

SHY

WORLD SWIMMING CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with