^

PM Sports

Kahit ano ibibigay ni Manny matuloy lang ang laban kay Floyd

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na-excite si Manny Pacquiao sa mga pahayag ni Floyd Mayweather Jr. kamakalawa.

Sinabi ni Maywea-ther na handa na niyang harapin si  Pacquiao sa May 2. Ngunit maliban sa petsa ng laban, wala nang ibinigay na ibang de­talye ang American boxer na walang ibang iniisip kungdi ang kanyang malinis na record.

Tinawag niya si Pacquiao na desperado at itinuro si Bob Arum na dahilan kung bakit hindi matuluy-tuloy ang laban na inaabangan ng lahat.

Sinabi ni Mayweather na hinding-hindi makakakuha si Pacquiao ng patas na hatian sa kita na sinasabing aabot sa ilang libong milyon dahil natalo ang Fighting Congressman ng dalawang sunod noong 2012.

Matapos ang dala-wang sunod na talo, nakatatlong sunod na panalo na si Pacquiao kabilang ang kanyang huling panalo noong Nob. 23 nang anim na beses niyang napahalik sa lona si Chris Algieri para sa kanyang lopsided victory.

Walang pakialam si Mayweather  kahit sino ang talunin ni Pacquiao.

Para sa kanya, ang importante lamang ay ang kanyang undefeated record na 47 fights habang si Pacquiao ay 3-2 sa huling dalawang taon at 57-5-2 win-loss-draw overall.

Tumatanda na ang da-lawang boxing superstars at marami ang naniniwala na kung hindi mangyayari ang laban sa 2015 ay hindi na ito bebenta kung mangyayari sa mga susunod na taon.

Si Pacquiao ay magdiriwang ng kanyang ika-36 kaarawan nitong Miyerkules habang mas matanda si Mayweather  na 38 na sa Feb. 24.

“We are ready. Let’s make it happen. Let’s do it,” sabi ni Mayweather sa Showtime.

Ngunit handa na ba talaga siya?

Matagal nang handa si Pacquiao na kalabanin si Mayweather at sa tingin niya, si Mayweather  ang susi para mangyari ito.

“Gawin mo, hindi ‘yung puro salita lang,” sabi ni Pacquiao patungkol kay Mayweather.

Hanggang walang nangyayaring negosasyon, walang katotohanan ang mga pahayag ni Mayweather.

“Huwag puro salita. Pumirma na siya,” aniya.  “Basta mag-usap muna. Mahirap kung ‘di mag-uusap eh.”

Inaasahang kung-anu-anong kondisyon ang hihingiin ni Mayweather na maaaring makuha niya.

Wala nang pakialam si Pacquiao, matuloy lang ang laban.

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

FIGHTING CONGRESSMAN

FLOYD MAYWEATHER JR.

MAYWEATHER

NGUNIT

PACQUIAO

SI PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with