^

PM Sports

Ateneo spikers target ang 2-0

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sundan ang magandang panalo na nakuha sa pagbubukas ng liga ang hangad ng nagdedepensang kampeong Ateneo Lady Eagles at La Salle Lady Archers kontra sa Adamson Lady Falcons at National University Lady Bulldogs sa 77th UAAP volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Umani ang Lady Ea-gles ng 25-21, 25-18, 25-15 panalo sa Lady Bulldogs nang si Alyssa Valdez ay nagpakawala ng 28 habang ang Lady Archers ay  nagtala ng 25-23, 24-26, 25-14, 25-17 panalo sa Lady Falcons dahil sa 27 puntos ni Victonara Galang.

Si Valdez ang muling kakapitan ng Ateneo pero asahan ang suportang ibibigay ng ibang beterana tulad nina Julia Morado, Amy Ahomiro at Michelle Mo-rente para manatili ang kapit sa unang puwesto.

Asahang magpapatuloy ang magandang ipinakikita ni Galang pero tiyak na masusukat ang Lady Archers sa Lady Bulldogs na hangad  na pigilan ang pag-lasap ng ikalawang sunod na pagkatalo.

Si Jaja Santiago ay gumawa ng 16 puntos sa unang laro pero kinulang siya ng suporta, bagay na hindi dapat mangyari sa larong ito para gumanda ang tsansa na manalo sa DLSU.

Ikalawang panalo rin ang pakay ng two-time defending champion sa kalalakihan na NU Bulldogs sa FEU Tamaraws sa ganap na ika-8 ng umaga bago sundan ng pagkikita ng Adamson Falcons at Ateneo Eagles dakong alas-10 ng umaga. (AT)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ADAMSON LADY FALCONS

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY EAGLES

JULIA MORADO

LADY

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with