^

PM Sports

PSC, POC magkaiba ang sinasabi sa bagong training center

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na dadanas ng ma­sasakit na kabiguan ang mga national athletes sa malalaking kompetis­yon kung mapapatotoha­nan ni POC president Jo­se Cojuangco, Jr. ang kan­yang mga plano.

Sa kanyang talumpa­ti sa send-off ceremony pa­­ra sa pambansang de­le­gasyon na kakampanya sa Asian Beach Games sa Phuket, Thailand noong Bi­yernes ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig Ci­ty, binanggit ni Cojuangco ang napipintong pag­sisimula sa pagpa­pa­tayo ng makabagong trai­ning center sa Clark Field sa Pampanga at ang naka­umang na intensibong pag­sasanay ng mga atleta para sa 2015 SEA Games sa Singapore.

“I’d like to give you this very good news because its almost in the bag. We’re getting 50 hec­tares in Clark Field, we will putting up finally our own training center. Initial budget for that is P3.5 billion, I think meron na tayong pera,” wika ni Co­juangco.

Ang pahayag ay para maisantabi ang naunang pangamba ni PSC chairman Ricardo Garcia na na­sa alanganin pa ang usa­pin sa lupa sa Clark para pagtayuan ng bagong trai­ning center dahil wala pang napipirmahan na do­kumento.

Ang P3.5 bilyon ay ku­­kunin ng POC mula sa kanilang bahagi sa magi­ging benta ng Rizal Memorial Sports Complex na pag-aaari ng Siyudad ng Manila.

Kasabay nito ay iniha­yag din ng 80-anyos na si Cojuangco ang pagpili ng 150 hanggang 200 atleta na isasalang sa programa na hangad ang makitang humusay ang mga ito sa paglalaro.

Bibigyan ng tirahan, nut­rition, conditioning pro­gram at mas matitin­ding pagsasanay ang mga mapipili upang mas ma­ging handa para sa SEA Games sa Singapore.

 

ASIAN BEACH GAMES

BIBIGYAN

CLARK FIELD

COJUANGCO

PASIG CI

PHILSPORTS ARENA

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with