^

PM Sports

Systema dinomina ang FEU

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inilabas kaagad ng Sys­tema Power Sma­shers ang kanilang tunay na laro sa unang set pa la­mang patungo sa 29-27, 26-24, 25-18 straight sets win laban sa Far Eastern University Tamaraws sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference men’s di­vision sa second round ka­gabi sa The Arena sa San Juan City.

Sina Sylvester Hondrade at Salvador Depante ay tumapos taglay ang 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod, at siyang nag­trangko sa matibay na depensa lalo na sa unang dalawang sets upang maisulong ang nangungunang karta sa 3-1.

May anim na blocks si Hondrade, habang da­lawa ang ginawa ni De­pan­te para ibigay sa Systema ang 10-8 bentahe sa blocks.

Hindi rin nagpadaig ang Active Smashers sa attack points, 40-34, matapos ang tig-siyam na kills  nina Christopher Antonio at Angelo Espiritu.

Nagdagdag ng dala­wang aces si Hondrade para itulak ang nanalong koponan sa 4-2 kalama­ngan sa serve department.

Ito ang ikalawang pag­­tutuos ng dalawang ko­­ponan at ang unang ta­gisan ay nauwi sa five sets at nanaig din ang Systema.

Kinailangang magtra­baho ang Systema sa fourth at fifth sets para mai­­gupo ang hamon ng FEU, 14-25, 25-18, 19-25, 25-9, 15-9, sa unang pag­tu­tuos nila noong Oktubre 7 sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s bukod sa suporta ng Accel at Mikasa.

Bitbit ang alaala ng nasabing laro ay nagpokus ang mga bataan ni head coach Arnold Laniog pa­ra lumapit sa misyon na makuha ang isa sa dalawang puwesto sa best-of-three championship series.

May  12 digs pa si Rikko Marmeto, habang ang setter na si Manolo Refugia ay may 23 excellent sets para katampukan ang dominasyon kontra sa Tamaraws na bumaba sa 1-3 baraha.

ACTIVE SMASHERS

ANGELO ESPIRITU

ARNOLD LANIOG

CHRISTOPHER ANTONIO

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

HONDRADE

MANOLO REFUGIA

SHY

SYSTEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with