^

PM Sports

Palaban ang lahat ng 6-teams sa Superliga Grand Prix

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lahat ng anim na koponang maglalaban-laban sa 2014 Philippine SuperLiga Grand Prix na handog ng Asics ay kumpiyansang magiging palaban sa kampeonato sa kababaihan.

Sa pulong pambalitaan kahapon sa Smart Araneta Coliseum, ang mga coaches ng maglalabang koponan ay pare-parehong nakikitang palaban ang dalang koponan dahil na rin sa pagkakaroon ng mga mahuhusay at magagandang imports.

Magbabalik ang mga datihang Petron, Cignal, RC Cola at Generika habang ang Mane N Tail at Foton ang mga expansion teams.

“Confident kami dahil nagkakaroon na ng jelling ang mga imports namin at ang mga locals. Confident akong aabot kami sa finals,” wika ni Petron coach George Pascua na napalaban na minsan sa kampeonato sa ligang i-norganisa ng Sports Core.

Magbabalik si Dindin Santiago pero makakatulong niya ang mga imports na sina dating Ms. Oregon, USA Alaina Bergsma at Brazilian Erica Adachi.

“We are a young team but don’t count us out,” deklarasyon ni Foton coach Vilet Ponce de Leon na kinuha sina Russian imports Elena Tarasova at Irina Tarasova.

Ang iba pang imports ay sina Lindsay Stalizer at Sarah Ammerman ng Cignal, Bonita Wise at Emily Brown ng RC Cola, Miyuu Shinohara at Natalia Korobkova ng Generika at Kristy Jaeckel at Kaylee Manns ng Mane N Tail.

Bagong kampeon ang lalabas dahil hindi sumali ang Philippine Army. Ang Generika na siyang nagtaguyod sa Lady Troopers ay sinuportahan ngayon ang dating koponan ng AirAsia na hawak ni coach Ramil de Jesus.

Sina Ramon Suzara at Philip Ella Juico na pangulo at chairman ng Sports Core ang nanguna sa mga opisyales habang si Kenjie Ong, Marketing Director sa Asia ng Asics, Edgar Yabes, Ilocos Sur Office of the Governor administrator, Paolo Diaz ng Solar Sports at Ian Laurel, commissioner ng liga ay dumalo rin.

May magaganap na tagisan din sa kalalakihan at ang mga kasali ay ang Cignal, Bench, PLDT Air Force, Fourbees-Cavite Patriots at Maybank.

vuukle comment

AIR FORCE

ALAINA BERGSMA

ANG GENERIKA

ASICS

BONITA WISE

BRAZILIAN ERICA ADACHI

CIGNAL

MANE N TAIL

SPORTS CORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with