San Beda, Arellano magtutuos sa Finals
LARO SA LUNES (Mall of Asia Arena, Pasay City)
FINALS (best-of-three)
4:00 p.m. San Beda vs Arellano (Game 1)
MANILA, Philippines - Naplantsa ang sagupaan ng Arellano at San Beda sa Finals para sa titulo ng NCAA men’s basketball nang agad nilang sibakin ang mga nakalaban sa Final 4 kahapon sa napunong The Arena sa San Juan.
Muntik nang masayang ang 26-puntos na kalamangan ng San Beda sa first half at nagkumahog sa huling bahagi ng labanan upang hatakin ang 81-75 panalo kontra sa Perpetual Help sa unang laro.
Matapos maiwanan sa unang bahagi ng labanan sa 18-44 ay naghabol ang Altas upang makalapit sa 75-80 ngunit sinandalan ng Lions ang kanilang malawak na karanasan at steady foul throw shooting sa huling bahagi ng labanan upang diskarilin ang Altas.
“I credit the Altas for a job well done. They came back to cut the lead to just five points. But I also credit my boys for having the heart to fight back. We just had to finish that game,” sabi ni coach Boyet Fernandez ng San Beda na umusad sa finals sa ikasiyam na sunod na pagkakataon.
Nagpakawala si guard Baser Amer ng free throw para sa panigurong kalamangan at nagmintis ang mga pinakawalang tres nina Harold Arboleda at Earl Thompson para sa Perpetual at tuluyang naubos ang oras.
“I told them that we’re not going to win the championship if we wont survive Perpetual. I told them to play with heart and played with pride. At least our defense held in the fourth,” sabi ni Fernandez.
Tumapos si Anthony Semerad ng 18 points para pangunahan ang Lions habang nagtala naman si Amer ng 17 markers.
Humataw naman ang Chiefs sa huling mga minuto ng labanan para patalsikin ang host Jose Rizal University Heavy Bombers, 72-65 sa ikalawang laro.
Nakapagtala ng kasaysayan ang Arellano dahil nakarating sila sa finals ng liga sa unang pagkakataon matapos ang limang taon nang pagkampanya sa NCAA.
Sina Levi Hernandez, Jiovani Jalalon at Keith Agovida ang nagtulung-tulong matapos kunin ng Bombers ang kalamangan, 63-62 sa magkasunod na triples ni Jaycee Asuncion.
Isang 9-2 palitan ang iginanti ng Arellano na tinapos ng dunk ni Agovida para hindi na kailanganin ng Chiefs na masagad ang hawak na twice-to-beat advantage na hindi na rin nagamit ng San Beda. (AT)
Unang laro
San Beda 81 – A. Semerad 18, Amer 17, Adeogun 13, Mendoza 12, De La Cruz 11, Pascual 6, Koga 2, Tongco 2, Sara 0, Abude 0, D. Semerad 0.
Perpetual 75 – Thompson 20, Baloria 20, Arboleda 14, Alano 11, Dagangon 7, Oliveria 2, Jolangcob 1, Dizon 0, Ylagan 0, Bantayan 0, Gallardo 0.
Quarterscores: 22-7; 44-18; 55-44; 81-75
Ikalawang laro
Arellano 72 – Holts 22, Hernandez 12, Jalalon 8, Caperal 8, Pinto 7, Agovida 7, Ciriacruz 4, Salcedo 2, Enriquez 2, Bangga 0, Gumaru 0, Cadavis 0.
Jose Rizal U 65 – Teodoro 19, Asuncion 13, Mabulac 13, Abdulwahab 6, Benavides 5, Sanchez 4, Paniamogan 3, Lasquety 2, Salaveria 0, Grospe 0.
Quarterscores: 21-18; 36-31; 54-53; 72-65.
- Latest