^

PM Sports

Agawan sa No. 1 Arellano vs San Beda

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos makumpleto ang mga koponang maglalaban-laban sa 90th NCAA men’s basketball, aalamin ngayon kung sinu-sino ang magtatapat-tapat sa playoff sa The Arena sa San Juan City.

Unang magsusukatan ang host Jose Rizal Heavy Bombers at Perpetual Help Altas sa ganap na ika-2 ng hapon bago sundan ng labanan ng four-time defending champion San Beda Red Lions at Arellano Chiefs dakong alas-4 ng  hapon.

Ang unang tagisan ay para sa ikatlong puwesto habang ang ikalawang tipanan ay para sa number one seeding.

Crossover ang format ng semifinals kaya’t ang lalabas na number one team ay makakalaro ang number four habang ang number two at three ang magsusukatan. Ang San Beda at Arellano ay may twice-to-beat advantage sa mga makakatunggali.

Hindi na nahirapan pa na madetermina ang dalawang koponan na kukumpleto sa semifinalist dahil nabigo ang St. Benilde Blazers na makasalo sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto nang lasapin ang 57-64 pagkatalo sa Letran Knights sa pagtatapos ng double-round elimination.

Hindi malayong gamitin nina coach Vergel Me-neses at Aric del Rosario ang kanilang pagtutuos bilang bahagi ng paghahanda sa mga gagamiting plays sa Final Four dahil dalawang beses nilang dapat talunin ang alinman sa Red Lions at Chiefs.

Wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo ang isa sa magpapainit sa kampanya ng tropa ni coach Boyet Fernandez sa pagsukat sa bataan ni coach Jerry Codiñera.

Huling koponan na tumalo sa Lions ay ang Chiefs sa 78-76 iskor para magkaroon ng pagkakataon ang huli na mahawakan ang number one seeding, bagay na ginawa ng San Beda sa huling walong taon ng liga.

Ngunit nawala sa focus ang Arellano sa laro laban sa Lyceum Pirates na naiuwi ang 101-96, para makasalo ang San Beda sa 13-5 baraha at magkaroon ng playoff para sa unang puwesto.

 

ANG SAN BEDA

ARELLANO

ARELLANO CHIEFS

BOYET FERNANDEZ

FINAL FOUR

JERRY CODI

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

LYCEUM PIRATES

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with