UE may tsansa pa rin sa Final 4
MANILA, Philippines - Nakabawi ang UE Red Warriors sa pagkawala ng 14 puntos bentahe sa first half sa itinalang 68-66 pa-nalo sa nagdedepensang kampeong La Salle Green Archers para magpatuloy ang paghahabol ng playoff sa Final Four sa 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nakitang ang 36-22 bentahe ay naglaho at naiwanan pa ng Archers ng 10 puntos, 51-61 sa huling 3:45 ng laro, kumapit ang Warriors sa galing nina Pedrito Galanza, Dan Alberto at Roi Sumang para lumapit sa isang panalo para makakuha ng playoff sa 8-5 karta.
Nanguna uli si Galanza sa kanyang 21 puntos at ang kanyang turnaround jumper ang nagpatabla sa laro sa 63-all.
Naagawan ni Alberto si Vosotros tungo sa nakumpletong three-point play bago ang error ni Jeron Teng na nagresulta sa split ni Sumang para hawakan ng UE ang 67-63 kalamangan.
“This was a character game for us,” wika ni UE coach Derrick Pumaren. “Medyo nag-panic mode but we kept our poise.”
Ang off-the-bench na si Sumang ay naghatid pa ng 14 puntos at limang steals bukod sa dalawang assists at tila tanggap na niya ang role na suportahan ang ibang kasamahan para lumalim ang pinagkukunan ng puntos ng host team.
Gumawa ng 23 puntos si Jeron Teng bukod sa 9 rebounds at 4 assists habang sina Almond Vosotros at Julian Sargent ay may 11 at 10 puntos.
Sinelyuhan naman ng National University Bulldogs ang playoff sa 75-64 pananaig sa UST Tigers sa ikalawang laro.
Nagpakawala ng dalawang triples si Paolo Javelona para makakalas ang Bulldogs mula sa huling tabla sa 58-all at magkaroon na ng 9-4 baraha.
Katabla ng NU ang La Salle at sila ang magtutuos sa Sabado at ang mananalo ay papasok na sa Final Four at ang matatalo ay maaaring makaharap ang UE kung manalo ito sa UST sa pagtatapos ng eliminasyon sa Set-yembre 16.
UE 68 – Galanza 21, Sumang 14, Javier 8, A
lberto 6, Jumao-as 6, Mammie 4, Arafat 3, de Leon 2, Palma 2, Varilla 2, Guiang 0, Olayon 0.
DLSU 66 – Teng 23, Vosotros 11, Sargent 10, Rivero 7, Torres 7, Montalbo 6, Van Opstal 2, Andrada 0, Perkins 0.
Quarterscores: 15-13, 36-22, 43-39, 68-66
NU 75 – Alolino 14, Celda 13, Khobuntin 12, Javelona 11, Rosario 10, Diputado 5, Betayene 4, Aroga 4, Perez 2, Alejandro 0, Atangan 0.
UST 64 – Abdul 15, Daquioag 13, Subido 11, Mariano 9, Vigil 7, Sherif 4, Lao 3, Pe 2, Basibas 0, Faundo 0, Gayosa 0, Lo 0.
Quarterscores: 18-19, 40-37, 58-54, 75-64
- Latest