^

PM Sports

SBC Red Lions sinibak ang EAC Generals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kumubra ng puntos sa iba’t ibang anggulo ng playing court ang four-time defending champion San Beda Red Lions para sa 96-80 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi napigil sa ilalim ang 6’8” na si Ola Adeogun sa kinamadang 25 puntos at 12 rebounds sa 18 minutong paglalaro habang sina Baser Amer at Arthur dela Cruz ay maagang nag-init sa labas para kunin ng Red Lions ang ika-11 panalo matapos ang 13 laro.

Sa ikaapat na sunod na laro ay hindi pa rin nagamit ng Generals si Cameroonian center Noube Happi para tulu-yang mawalan ng tsansa sa susunod na round sa tinamong ika-10 pagkatalo laban sa tatlong panalo.

“The absence of Happi gave us one less problem,” wika ni Lions coach Boyet Fernandez.

Sa second half na nakapagdomina si Adeogun dahil ang first half ay nagbida sina Amer at Dela Cruz na tumapos bitbit ang 18 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Apat lamang sa kabuuang puntos ni Amer ang hindi ginawa sa first half na sinangkapan pa ng apat na tres. Tatlong triples ay kinamada sa unang yugto para bigyan ang Lions ng 19-14 kalamangan.

Sa sumunod na canto ay pumuntos na si Dela Cruz at ang kanyang limang sunod na sinaba-yan pa ng ikaapat na tres  ni Amer at inside points ni Adeogun ang nagtulak sa kalamangan ng Lions sa 13-, 40-27.

Lumobo sa pinakamalaking 26 puntos (65-39) ang kalamangan ng Lions bunga ng pagbagsak ni Adeogun ng 12 puntos sa ikatlong yugto.

Kailangan na lamang ng dalawang panalo ang San Beda para makara-ting sa semifinals sa ika-siyam na sunod na pagkakataon.

Pinalad pa rin ang Letran Knights na ma-kabawi matapos ang mahinang paglalaro sa huling dalawang minuto sa 75-73 panalo sa San Sebastian Stags sa ikalawang laro.

Si Kevin Racal ay may 20 puntos at ang Letran ay umangat sa 6-7 baraha habang ang Stags ay bumagsak sa 3-11, kasama ang 10-game lo-sing streak. (AT)

ADEOGUN

AMER

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

DELA CRUZ

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

LETRAN KNIGHTS

NOUBE HAPPI

OLA ADEOGUN

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with