Humigpit ang labanan ng mga hinete
MANILA, Philippines - Lalong uminit ang pahusayan ng mga hinete nang apat na jockeys ang kumabig na ng mahigit na dalawang milyon piso matapos ang pitong buwan ng taon.
Si Jessie Guce pa rin ang lider pero nagbabadya sina Mark Alvarez, Fernando Raquel Jr. at Jonathan Hernandez na agawin ang puwesto dahil magkakadikit na ang earning ng apat na hinete.
May pinakamaraming sakay ni Guce na 629 para magkaroon na ng 104 panalo, 100 segundo, 87 tersero at 88 kuwarto puwestong pagtatapos para sa P2,682,680.54 kita.
Ang layo ni Guce kay Alvarez ay mahigit P300,000.00 lamang dahil kumabig na ang huli ng P2,3765,641.14 sa 552 takbo.
May 100 panalo na si Alvarez bukod pa sa 88 segundo 62 tersero at 64 kuwarto puwesto.
Si Raquel ang ikatlong hinete na may mahigit 100 panalo sa kanyang pinagwagiang 101 bukod sa 61, 52 at 47 segundo hanggang kuwarto puwestong pagtatapos sa 417 sakay para sa P2,166,344.47 earnings.
Nasa ikaapat si Hernandez sa P2,128,975.72 premyo sa 317 sakay matapos ang 92-54-53-47 karta.
Si Pat Dilema ang kukumpleto sa unang limang puwesto bitbit ang P1,678,091.31 premyo sa 360 takbo at 79-58-59-45 karta.
Ang hinete ng Triple Crown champion Kid Molave ay kumabig na ng P1,336,069.65 kahit may 150 takbo lamang. Umani ang hinete ng 34 panalo, 36 segundo, 17 tersero at 16 kuwarto puwestong pagtatapos.
Si JB Cordova ang nasa ikapitong puwesto sa P1,204,763.28 premyo sa 313 takbo (65-37-33-19), nasa ikawalo si Kevin Abobo sa P1,164,555.71 premyo sa 283 takbo (48-55-44-38), nasa ikasiyam si Dominador Borbe Jr. sa P1,134,339.44 sa331 takbo (44-47-46-35) at nasa ikasampung puwesto na si JD Juco sa P972,536.58 gantimpala matapos ang 272 takbo(36-50-52-32). (AT)
- Latest