^

PM Sports

NBA nagpalabas ng bagong alituntunin para maiwasan ang aksidente sa baseline

Pang-masa

MANILA, Philippines - Palalawigin ng NBA ang lugar na dapat ay walang sagabal sa likod ng basket at babawasan ang bilang ng mga photographers sa baseline para sa kaligtasan ng mga players.

Ang bagong regulasyon ay ukol sa pagbibigay ng dagdag na espasyo sa magkabilang basket stanchion.

Ito ay inabiso na sa mga koponan nina league president of operations Rod Thorn at executive vice president of team marketing and business operations Amy Brooks sa memo na nakuha ng The Associated Press.

Sinabi ni Thorn na ang paglilinis sa playing area ay nasa plano na bago pa man mabali ang kanang binti ni Paul George ng Indiana Pacers sa stanchion noong nakaraang buwan sa USA Basketball exhibition game.

“The conversations about this topic preceded Paul’s injury by several years,’’ sabi ni Thorn. “As a matter of fact, at our league meetings in July we informed our teams this was the direction we were going. But of course when an injury occurs like the one to Paul, it reaffirms the changes we have made and the need to continue to evaluate our policies.’’

Ang ‘escape lanes na hindi puwedeng may tao o anumang bagay sa magkabilang stanchion na malapit sa photographer spot ay dadagdagan mula sa 3 hanggang sa 4 feet.

Tanging 20 camera positions, 10 sa bawat baseline, ang pananatilihin mula sa dating 24 sa nakaraang season at 40 noong 2010-11 regular season.

Ang bawat baseline ay maaaring magkaroon ng anim na photo spots sa gilid ng isang basket at apat sa kabila at ang mga dance teams o iba pang entertainers ay hindi maaaring manatili sa baseline.

AMY BROOKS

ASSOCIATED PRESS

BASELINE

INDIANA PACERS

PALALAWIGIN

PAUL GEORGE

ROD THORN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with