^

PM Sports

Moreno umaasang magiging inspirasyon ng mga Pinoy athletes

Pang-masa

NANJING – Umaasa ang Filipino archer na kumu­ha ng gold medal sa mixed team event ng 2nd Youth Olympics na mapapasigla niya ang naturang sport sa Pilipinas.

Nakitambal si Luis Gabriel Moreno, isang 16-an­yos na estudyante ng La Salle Greenhills, kay Li Jiaman ng China para angkinin ang gintong medalya sa Fangshan Archery Field.

Tinalo nila sina Eric Peters ng Canada at Mirjam Tuokkola ng Finland sa semis at sina Muhammad Za­rif Zolkepeli ng Malaysia at Cynthia Freywald ng Ger­many sa finals.

Pinalakpakan si Moreno ng mga Chinese fans nang matusok niya ang 9 sa kanyang final arrow.

Nang makausap niya ang mga reporters matapos ang awarding ceremony, sinabi ni Moreno na umaasa si­yang magiging inspirasyon ng mga Filipino athletes.

“I hope I can become a symbol of inspiration to all Fi­lipino athletes and I hope a lot of Filipino athletes will qualify next year for the Rio Olympics,” sabi ni Mo­reno.

Ang ama ni Moreno na si Fred Moreno ay ang ba­gong presidente ng Philippine Archers National Network and Alliance Inc.

“It (archery) can also be interesting. You don’t have to be tall or short, you don’t have to have long arms or short limbs. As long as you have the will and determi­nation you can do anything,” wika ng Filipino gold me­dalist.

Ito ang unang gold medal ng bansa sa YOG.

Alam ni Philippine chef-de-mission Jonne Go na may kakayahang manalo ng medalya si Moreno at archer, Bianca Roxas-Chua Gotuaco.

“But we really did not expect to win the gold. That makes the victory even sweeter. We now have a gold me­dal in the Youth Olympics,” sabi ni Go.

Si Gotuaco, nagwagi ng gold medal sa isang torneo sa Ohio, ay nabigong makaalpas sa round of 16 sa wo­men’s individual.

Ang iba pang miyembro ng Philippine contingent ay sina triathlete Vicky Deldio, swimmer Roxanne Yu, shooter Celdon Arellano, track bet Zion Rose Nelson at gymnast Ava Lorein Verdeflor.

Nakatakda silang bumalik sa bansa sa Agosto 29.

“We are very proud of our athletes here,” ani Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia.

AVA LOREIN VERDEFLOR

BIANCA ROXAS-CHUA GOTUACO

CELDON ARELLANO

CYNTHIA FREYWALD

ERIC PETERS

FANGSHAN ARCHERY FIELD

MORENO

SHY

YOUTH OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with