Algieri hindi aasarin si Pacquiao
MANILA, Philippines - Walang mangyayaring asaran sa isasagawang media tour nina world welterweight champion Manny Pacquiao at challenger Chris Algieri.
Ito ang tiniyak ni Algieri para sa gagawin nila ni Pacquiao na two-week media tour para sa kanilang laban sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
“I expect us to have a humble and refreshing press conference on Monday,” sabi ng 5-foot-10 na si Algieri.
Sisimulan ang naturang media tour nina Pacquiao at Algieri sa Lunes sa Florence Ballroom ng The Venetian.
Sa susunod na araw ay magtutungo sina Pacquiao at Algieri sa press conference sa Ballroom C ng Sheraton Shanghai Pudong Hotel sa China.
Sa Agosto 29 ay bibisita ang 5’6 1/2 na si Pacquiao at si Algieri sa US para makasama ang San Francisco Giants sa AT&T Park sa San Francisco.
Kasama sa US tour ang kanilang mga press conference sa Las Vegas sa Agosto 30, sa Hyatt Regency Century Plaza Hotel sa Los Angeles sa Setyembre 3 at Setyembre 4 sa New York City.
Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kontra kay Algieri (20-0-0, 8 KOs). (RC)
- Latest