^

PM Sports

Arenas makakasama si Iverson sa charity basketball game

Pang-masa

MANILA, Philippines - Anim na taon na ang nakakaraan nang bumisita si­ya sa bansa, ngayon ay sasamahan ni National Basket­ball Association (NBA) superstar Gilbert Arenas si Al­len Iverson sa isang charity basketball event sa Nob­yembre.

Makakatambal ni Arenas, ang three-time All-Star, ang dating NBA MVP na si Iverson para sa “All In,” isang basketball fundraiser para sa Gawad Kalinga, sa Nob­yembre 5 sa Mall of Asia Arena.

Kilala sa tawag na “Agent Zero”, makakasama din ni Arenas si dating NBA star Eddie Curry at isang local se­lection na binubuo ng mga players mula sa NCAA, UAAP at PBA laban sa Ball Up Streetball All-Stars na hahawakan ni Iverson bilang head coach.

 “I’m excited to come back and see everyone in the Philippines,” sabi ni Arenas, nagbida sa Washington Wi­zards noong 2003-10.

Inihahandog ng PcWorx, ang tiket para sa “All In” ay mabibili na sa lahat ng SM Tickets outlets, PcWorx branches at sa online sa www.smtickets.com.

Ang halaga ng mga tiket ay P6,500 (VIP), P5,500 (Patron), P4,000 (Lower Box), P2,000 (Upper Box) at P600 (General Admission).

AGENT ZERO

ALL IN

BALL UP STREETBALL ALL-STARS

EDDIE CURRY

GAWAD KALINGA

GENERAL ADMISSION

GILBERT ARENAS

IVERSON

LOWER BOX

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with