^

PM Sports

Tigers, Warriors kumuha ng panalo: Blue Eagles at Archers magtatagpo ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinapitan ng UST Ti­gers ang husay sa offen­sive rebounding para ma­itakas ang 61-59 pana­lo sa kontra sa Adamson Fal­cons sa pagsisimula ng second round ng 77th UAAP men’s basketball tour­­nament kahapon sa Smart Ara­neta Colise­um.

Angat lamang ng isang puntos, 60-59, apat na offensive rebound ang ginawa ng Tigers sa hu­ling 1:20 ng laro at si Aljon Mariano ang humablot sa huling tatlong offensive glass.

Napilitan ang Falcons na maglapat ng fouls dahil 10 segundo na lamang ang nalalabi sa orasan at tila tama ang desisyon dahil isang free throw lamang ang naisalpak ni Mariano.

Pero naisablay ni William Polican ang sana ay pam­panalong tres para ta­pusin ng Tigers ang tatlong sunod na kabiguan at maitabla ang karta sa 4-4.

Naghatid naman ng 15 puntos, 14 rebounds at 4 blocks si import Charles Mammie para gabayan  ang host UE Red Warrios sa 68-48 dominasyon sa UP Maroons sa ikalawang la­ro.

Hindi naglaro para sa UE si Roi Sumang bunga ng sprained ankle pero pi­nu­nuan ang kanyang puwesto nina Dan Alberto at Mark Olayon na tumapos taglay ang 11 at 10 puntos.

Napantayan ng host school ang pinakamagandang two-game winning streak sa season para ma­natiling kasalo ang UST sa ika-lima at anim na puwesto sa 4-4 karta.

Nabigo naman ang UP na dugtungan ang ma­kasaysayang panalo sa Adam­son sa huling laro.

Si Louie Vigil ay may 13 puntos, 8 rebounds at 2 assist at siya ang nagbigay ng go-ahead basket para sa Tigers (60-59) sa hu­ling 1:51 sa laro.

Gumawa si Jensen Rios ng 22 puntos para sa Fal­cons at ang kanyang ata­­ke ang nagpatikim sa Fal­cons ng 59-58 kalama­ngan sa huling 4:56.

UST 61 – Vigil 13, Daquioag 11, Ferrer 8, Subido 8, Mariano 7, Sheriff 7, Lao 5, Abdul 2, Faundo 0, Basibas 0, Lo 0.

Adamson 59 – Rios 22, Trollano 16, Iñigo 11, Dona­hue 4, Polican 3, Baytan 2, Garcia 1, Aquino 0, Nalos 0, Monteclaro 0, Pedrosa 0, Villanueva 0, Butron 0, Barrera 0.

Quarterscores: 19-12; 35-29; 52-52; 61-59.

UE 68 – Mammie 15,  Al­berto 11, Olayon 10, Ja­vier 6, Galanza 5, Jumao-as 5, Charcos 4, Guiang 3, Arafat 2, De Leon 2, Varilla 2, Hernandez 2, Palma 1, Cudal 0, Derige 0

UP 48 – Reyes 19, Lao 10, Vito 7, Asilum 4, Gallarza 2, Gingerich 2, Moralde 2, Harris 2, Juruena 2, Lim 0

Quarterscores: 18-7, 32-24, 51-36, 68-48.

vuukle comment

ADAMSON FAL

ALJON MARIANO

CHARLES MAMMIE

DAN ALBERTO

DE LEON

FAL

JENSEN RIOS

MARIANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with